Skip to main content

Posts

Showing posts from September 6, 2009

PHILIP MORRIS, NAGHATID NG TULONG NA PANGKALUSUGAN SA SAN PABLO CENTRAL SCHOOL

Personal na ipinaabot ni School Principal Analiza D. Banayo ang pasasalamat sa pangalan ng pangasiwaan ng San Pablo Central School sa tulong na pinagkaloob ng Embrace Foundation na kinatawan ni Manager Felizardo C. Mercado Jr. (kanan) sa pakikipag-ugnayan sa San Pablo Seven Lakes Jaycees na pinangungunahan ni Pangulong Jojo Agoncillo.. SAN PABLO CITY – Sa koordinasyon ng Embrace Foundation, na may pakikipagtulungan ng Junior Chamber International-San Pablo Seven Lakes, Philippine Band of Mercy, at City Health Office, ang Philip Morris Philippines Manufacturing, Inc. ay naghatid ng paglilingkod ng pagsusuring medical at dental sa mga Grade I Pupils ng San Pablo Central School noong nakaraang Martes, Setyembre 8, 2009, simula sa ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali, na ginanap sa Rizal Hall ng nabanggit na pinakamalaking elementary school unit sa lunsod na ito. May mga batang matapos na masuri ay pinagkalooban ng mga vitamin, at ang iba ay sumailalim ng

AFA and PCAMRD To Conduct Summit Summit On Shellfishes

The Asian Fisheries Academy (AFA) and the National Fisheries Research and Development Institute of the Department of Agriculture headed by Dr. Westly R. Rosario, and the Philippine Council on Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD) of the Department of Science and Technology under the leadership of OIC Executive Director Cesar R. Pagdilao will conduct the 1 st National Summit on the Culture and Processing of Shellfishes at the Asian Fisheries Academy at the NIFTDC-BFAR Complex in Bonuan-Binloc, Dagupan City on September 23-24, 2009. The summit theme is “Enriching Fisherfolks’ Live Through Culture and Processing of Shellfishes.” Dr. Rosario said the aim of the summit is to gather information on shellfishes, like mollusk and crustaceans, particularly on the status of the fisheries. Available technologies, identify gaps and market for the development and management of the shellfish industry, identify strategies for the formulation of a five-year road map for the

MGA MEDICAL MISSION NI IVY ARAGO, SABAYANG ISINAGAWA SA CALAUAN

CALAUAN, Laguna - Umabot sa kabuuang 2,771 katao ang napaglingkuran ng medical mission na itinaguyod ng Tanggapan ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago sa dalawang barangay dito noong nakaraang Biyernes, Setyembre 4, 2009 sa tulong ng isang pribadong grupo ng mga manggagamot at mga para-medical personnel na inanyayahan para matiyak na maayos na maisasagawa ang sabayang pagkakaloob ng mga paglilingkod na medical, at pamamahagi ng angkop at sapat na gamot, sang-ayon kay ABC President Jaime P. Goyena Jr. Sa pakikipanayam kay Goyena, na kasalukuyang punong barangay ng Barangay Lamot 2, ang isang grupo ng mga manggagamot ay naglingkod sa Barangay Dayap kung saan umabot sa kabuuang 1,596 may karamdaman ang natulungan, at ang isang pangkat ay sa Barangay Bangyas, malapit sa LLDA Compound, kung saan 1,175 katao ang nasuri at napagkalooban ng angkop na gamot. Nabanggit naman ni Vice Mayor June Joseph F. Brion na ang 2,771 ay bilang ng mga nasuri at napagkalooban ng gamot ng Tangg

13TH KABYAW PARA SA KALIKASAN

Masiglang pinag-usapan nina Pangulong Jojo Agoncillo, City Administrator Loreto S. Amante, at Project Chairman Michael Perez ang mga panghuling hakbangin dapat isagawa sa ikatitiyak na magtatagumpay ang 13 th Kabyaw Para Sa Kalikasan ngayong Linggo ng umaga. Sa pagtataguyod at pagtangkilik ng Junior Chamber Inte rnational (JCI) San Pablo Seven Lakes, ay isasagawa ang 13 th Kabyaw Para Sa Kalikasan, isang 70-kilometer Mountain Bike Race na lilibot sa buong Lunsod ng San Pablo na isang pagsisikap na madalaw ang pitong (7) lawa sa loob lamang ng ilang oras , ngayong darating na Linggo, Setyembre 13, 2009 sang-ayon kay JCI Member Jose “Jojo” A. Agoncillo Jr., pangulo ng lokal na organisasyon. Ang Project Chairman para sa ika-13 karera ay si JCI Member Michael Perez. Ang starting point ay sa Deña Leonila Park , at doon din gaganapin ang announcement of winners and awarding of prizes. Isang taunang proyekto ng JCI San Pablo, na lalong kilala bilang San Pablo “Seven Lakes

MOBILE PASSPORT SERVICE SA OKTUBRE 24

Ang Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo, sa pakikipag-ugnayan sa DFA Regional Consular Office sa Lucena City, ay magtataguyod ng Mobile Passporting Service sa darating na Oktubre 24, 2009 sa One Stop Processing Center. Gayon pa man, ang lahat ng application forms ng mga interesadong humiling ng pasaporte ay dapat na maisulit sa Regional Consular Office sa o bago sumapit ang Setyembre 30, 2009. Ang ipagkakaloob ay Machine Readable Passport, na ang halaga ay P750. Sang-ayon kay Alkalde Vicente B. Amante, ang prescribed application form ay matatamo na sa Office of the City Legal Officer sa One Stop Processing Center kung saan doon din ito isusulit upang madala sa Lucena City. Ang dapat ilakip sa application form ay apat (4) na kopya ng colored picture na passport size na may royale blue background, authenticated birth certificate, at magdala na rin ng dalawang (2) government-issued na identification card na makatutulong upang mapatunayan ang kanilang pagkamamamayang Pili

SOLATIUM

TANING KO Ni Ruben E. Taningco Sa Englatera, tulad sa India, ang mga pribadong lupain na kinukuha ng gobyerno sa paraang eminent domain or compulsory purchase para pagtayuan ng mga pambayang paggawain, tulad ng lansangan, mga gusaling pampaaralan, mga gusaling pampagamutan, at iba pang mga istrakturang ang mga nakararami ang makikinabang, ay pinagkakalooban ng karagdagang kompensasyon bilang kabayaran sa kasiphayuan nadama ng may-ari ng lupa sa pagkaalis sa kanyang posisyon ng minamahalaga niyang pag-aari. Halimbawa, kung ang commercial value ng isang lote ay $100 bawa’t metro kuwadrado, kung ito ay sapilitang kukunin ng gobyerno para maging bahagi ng isang bubuksang lansangan, ito ay maaaring bayaran ng mula sa $110 hanggang $115 bawat metro kuwadrado, sapagka’t sila ay mapipilitang lumipat ng ibang lugar na pagtatayuan ng aalising tahanan, at ang paglipat na ito ay apektado ang kinagawiang takbo ng pamumuhay, tulad ng ang mga bata ay mapapalayo sa paaralang kanilang ki