Napag-alamang ang mga dati ng Scholarship Program ng Pangasiwaang Panlalawigan ay ipinagpapatuloy ni Gobernador Jeorge “ER” Ejercito Estregan sa ilalim ng Palatuntunang Mabuting Pamamahala at Kumpletong Serbisyo Kontra Kahirapan at Gutom, at ang dating tulong na P3,500 ay ginawa pang P4,500 bawat eskolar bawat semestre na parehas para sa degree and non-degree courses. Ang mga dati ng eskolar sa Lunsod ng San Pablo ay pinulong nina District Consultant Rommel T. Maghirang (naka-upo) at Public Affairs Coordinator Joan Titular (nakatayo) noong nakaraang Huwebes at Biyernes sa PAMANA Hall ng Lunsod ng San Pablo na naabisuhan sa pamamagitan ng mga Barangay Volunteer Network. ( Ruben E. Taningco )