Skip to main content

Posts

Showing posts from December 16, 2007

ISAAYOS ANG BARANGAY DEVELOPMENT PLAN

ALAMINOS, Laguna – Sa bawa’t pagkakataong si Senior Board Member Karen C. Agapay ay nagkakaroon ng pagkakataong makapagsalita sa mga kapulungan ng mga kagawad ng sangguniang barangay, ay lagi niyang ipinaaalaala na buuin na kaagad ang kanilang Barangay Development Council, at magkaroon ng pagsasakit na ma-update ang kanilang barangay socio-economic profile sa dahilang ang isang approved barangay development plan ang saligan sa pagpapatibay ng annual barangay budget, gaya ng nakatadhana sa Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160. Nang si BM Karen Agapay, na kasalukuyang siyang nanunungkulang Bise Gobernador ng Laguna, ay maging panauhing tagapagsalita sa kapulungan ng Senior Citizens Association of San Agustin noong Huwebes ng hapon, kung saan kanyang nakatagpo si Punong Barangay Rustico Danta, at ang nakararami sa mg halal na kagawad ng sangguniang barangay, kanyang ipinaalaala na ang electrification ng kahabaan ng San Agustin Section ng Alaminos-Sto. Toma

NEW EX-OFFICIO COUNCILORS, INDUCTED INTO OFFICE

ALAMINOS, Laguna - Punong Barangay Oscar M. Masa of San Andres was formally inducted into the Office of the President of the Liga ng mga Barangay sa Bayan ng Alaminos by Mayor Eladio M. Magampon last Monday morning right after the traditional flag ceremony infront of the municipal hall according to Local Government Operations Officer Abigail N. Andres of the Department of the Interior and Local Government assigned in this municipality. Other officers of the 15-member Liga ng mga Barangay are Punong Barangay Eduardo R. Briz of Del Carmen, vice president; Punong Barangay Emerson C. Maligalig of Barangay Dos, secretary; Punong Barangay Ernesto A. Sahagun of Santa Rosa, treasurer; and Punong Barangay Nestor C. Aquino of San Juan, auditor. Directors are Punong Barangay Felix L. Mitra of Palma; Punong Barangay Eustaquio A. Abril of San Roque; Punong Barangay Rustico D. Danta of San Agustin; Punong Barangay Emerson C. Maligalig of Barangay Dos; Punong Barangay Ernesto A. Sahagun of S

BAGONG MEJORAS, DAPAT ILAHAD SA TASADOR ANG HALAGA

ALAMINOS, Laguna – Si Municipal Assessor Edgardo F. Pasiola ay nagpapaalaala sa lahat ng mga mamumuwisan o taxpayer na nagtamo ng bagong pag-aaring di-natitinag o real estate property,halimbawa ay sa sistemang bilihan, na sila ay may pananagutang maglahad ng sinumpaang salaysay sa tunay na halaga ng pag-aaring nabili sa Tanggapan ng Tagataya sa loob ng 60 araw matapos na maukupahan ang nabanggit na pag-aari. Dapat ding maglahad ng sworn statement ang mga landowner ng loteng nagkaroon ng improvement, halimbawa ay dating lupang taniman ng lansones na pinagtayuan ng gusaling industriyal, kaya ito ay nagkaroon ng bagong assessed value dugtong naman ni Provincial Assessor Noel L. Veracruz. Ang nabanggit na alituntunin ay nakatadhana sa Section 203 ng Local Government Code of 1991 o Republic Act No. 7160, paunawa ni Pasiola. Ang nabanggit na sinumpaang salaysay ay dapat ilahad sa tasador o assessor ng lunsod o munisipyo kung saan naroroon ang lupaing paksa ng salaysay. (Ben Ta

EXPANDED BARANGAY DEVELOPMENT COUNCIL, BUO NA SA ALAMINOS

ALAMINOS, Laguna – Nabatid mula kay Punong Barangay Rammel E. Banzuela ng Barangay San Miguel na bunga ng pagsusumakit ni DILG Local Government Operations Officer Abigail N. Andres, ay binubuo na ng mga sangguniang barangay sa bayang ito ang Expanded Barangay Development Council at ang Expanded Barangay Peace and Order Council, na kapuwa ang tagapangulo ay ang punong barangay, at unti-unti na nilang nadarama na ito ay makakapagbigay-sigla upang maayos na maipatupad ditto ang Barangay Governance Performance Management System (BGPMS) sa ikapagtatamo ng makatutuhanang Barangay Governance Report. Napansin ni Punong Barangay Banzuela na bunga ng pagkapagpalawak ng gampanin at pananagutan ng Barangay Development Council at ng Barangay Peace and Order Council kung saan ang gampanin ng iba’t ibang sanggunian sa barangay ay nasakop na ng alin man sa dalawang sanggunian, ay nagkaroon ng direksyon ang pagkilos ng sangguniang barangay upang maging ganap at walang duplikasyon ang paglilingko