SAN PABLO CITY – Matapos makapagtamo ng kabuuang boto na 59,228 o kalamangang 27,974 boto kay Congressman Danton Q. Bueser, na nagtamo ng kabuuang boto na 31,254, si Alkalde Vicente B. Amante, kasabay ng iba pang mga nagsipagwagi, ay pormal na ipinoroklama ng City Board of Canvasser noong Huwebes ng gabi, Mayo 17, Na matapos ang pagbasa ng proklamasyon ay kaagad itinaas ng reeleksyonistang pununglunsod ang kamay ng mga bubuo ng bagong sangguniang panglunsod, bilang tanda ng pakikipagkaibigan at isang paghikayat sa lahat na isantabi ang pagkakaiba-iba ng kinaaanibang pangkating pampulitika, at pagsikapang limutin ang ano mang hapdi na dulot ng init ng nakaraang kampanyahan. Ang una niyang itinaas ang kamay nina Vice Mayor-elect Frederick Martin A. Ilagan, Councilors-elect Paolo C. Lopez, Danilo R. Yang at Arsenio A. Escudero Jr. at reelected Councilor Angelo L. Adriano, bago ang kina Reelected Councilors Richard C. Pavico, Diosdado A. Biglete, Alejandro Y. Yu, at Councilor-elect Elea...