Skip to main content

Posts

Showing posts from January 9, 2011

A LAKESIDE CHARM OF SAN PABLO CITY

Dr. Jaime Aristotle B. Alip was recently cited by SM City San Pablo as one ot the “Lakeside Charms of San Pablo” as a public acknowledgement of his contribution in the formulation of an economic development program that helped improved the living condition of the poor in the countryside. To quoted City Administrator Loreto S. Amante, “Inspired by Muhammad Yunus, of Bangladeshi who funded the Nobel Prize-Winning Grameen Bank in Bangladesh, Dr. Alip, a San Pableño,   founded in 1986 the Center for Agriculture and Rural Development (CARD) Mutually Reinforcing Institution, that eventually led to the opening of CARD Bank that cater to the poor, and ‘for their effort to create economic and social development from below,’ he was chosen as a 2008 Magsaysay Awardee for Public Service. He said that he does not own CARD Bank because it belongs to the 1.3-million members, but simply manage it, making it now a Ten-Billion Peso Enterprise.” ( Ruben E. Taningco )

LABOR FORCE SURVEY NG NSO ISINASAGAWA NGAYONG ENERO 2011

            Ang mga tauhan ng National Statistics Office (NSO) ay kasalukuyang abala   sa paglikom ng datos na naaukol sa kalagayan ng trabaho ng bansa na tinatawag na Labor Force Survey (LFS).             Ang LFS ay naglalayon na makakuha at makaipon ng impormasyon buhat sa mga miyembro ng sambahayan na nauukol sa demograpiya at panlipunang katangian ng populasyon. Pangunahing layunin ng LFS ay upang mataya ang bilang at daloy ng may trabaho o walang trabaho sa bansa na nasa idad buhat labinglima pataas.             Mahalaga ang datos ng LFS sa pagpaplano o pagbabalangkas   ng polisiya at pagbabantay ng galaw ng trabaho tungo sa pagtuklas ng mga oprtunidad na makakaambag sa paglikha ng iba pang uri ng hanapbuhay upang mabawasan ang bilang ng walang trabaho sa bansa. Ginagamit rin ang datos ng LFS para maging basehan sa pagtataya   ng bilang   ng empleyado na kakailanganin sa pagtugon ng pagsasanay na lilikha ng iba pang uri ng hanapbuhay. Ginagamit din ang LFS bilang sukatan ng

HUWAG MAGSUNOG NG BASURA - DEQUITO

Sa layuning magabayan ang mga karaniwang mamamayan, ang City Solid Waste Management Office sa pangangasiwa ni Engr. Ruel J. Dequito ay nagpapaalaala sa lahat na umiwas na magsunog ng basura, sapagka’t may mga kapinsalaang naidudulot ito sa tao, tulad ng pagkakaroon ng sakit na kanser, karamdaman sa puso, hindi maayos na kalalagayan ng hormone, mga kapinsalaan sa pangangatawan, kasama na ang depektosong paglilihi at panganganak. Ito ang dahilan na ang Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources ay may mga pagkakataong nagtataguyod ng mga talakayan na ang pinagtutuunan ng pansin ay ang “Bantay Sunog Basura”, na umaalinsunod sa nilalayon ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000 o Batas Republika Bilang 9003. Sang-ayon kay Engr. Ruel Dequito, malinaw sa depinisyong internasyona na ang basura o solid waste ay ang mga hindi likidong nalalabing materyal na nagmumula sa mga tahanan, at bunga ng operasyon ng ano mang uri ng industriya, pa

14 Negosyo, Kailangan ang ENRO Clearance Sa Business Permit

Nabatid mula kay Gng. Paz T. Dinglasan, hepe ng Business Permit and License Division ng Tanggapan ng Punonglunsod, na 16 negosyo ang kinakailangang humiling ng Clearance mula sa City Environment and Natural Resources Office (ENRO) upang ilakip sa kanilang application for renewal of business permit and license, at ito ay ang mga sumusunod: (1) restoran; (2) panadriya; (3) bakeship; (4) paggawaan; (5) gawaan ng feedmill; (6) resort; (7) real estates/subdivision office; (8) poultry; (9) piggery; (10) gasoline station; (11) ospital; (12) industriya; (13) punerariya; (14) junkshop; (15) water refilling station; at (16) supermarket. Kaugnay ng alituntuning ito, ang City Environment and Natural Resources Office sa pamamatnugot ni City Government Department Head Ramon R. de Roma ay may slot o puwesto sa One Stop Processing Center para doon na lamang tanggapin at iproseso ang lahat ng mga kahilingan para sa clearance. Sa dahilang ang panahon ng paglalahad ng application for renewal of busines

BUSINESS PERMIT, HILINGIN KAAGAD

ALAMINOS, Laguna – Nagpapaalaala si Revenue Collection Officer Juanita B. Rivera sa lahat ng may negosyo na nakabase sa bayang ito, na mangyaring maagang magharap ng kahilingan para sa renewal ng kanilang business permit and license, upang kung may mga karagdagang pangangailangang ilakip sa kanilang application form, ay may sapat na oras para ito ay matugunan bago sumapit ang Enero 20, 2011 na siyang huling araw para sa paghiling nito. Sa renewal of business permit, ang kinakailangang ilakip ay ang lumang lisensya o ang business permit para sa Taong 2010, Barangay clearance mula sa punong barangay ng barangay kung saan nakatayo ang negosyo o ang punong tanggapan kung ito ay korporasyon, cedula para sa Taong 2011, Social Security Clearance, at updated registration of business name, sapagka’t ito ay may bisa lamang sa loob ng limang (5) taon. Ipinaaalaala na may negosyong kinakailangan ang license mula sa National Food Authority; mayroon kinakailangan ang kapahintulutan mula sa Bureau

San Pablo Coco Festival 2011 Schedule of Activities

San Pablo City 2010 Best Tourism Event Grand Winner, Festival Category, City Level Schedule of Activities Theme: Piyesta ng Niyog, Makulay, Makakalikasan, Masagana at Masayang Selebrasyon ng Naiibang Kultura at Talino ng Lahing San Pableño Date Time Venue Activities January 8 (Saturday) 6:00 am Sampaloc Lake Rotary Club “End Polio Fun Run” 10:00am SM City San Pablo TALENT DAY - Munting Lakan at Mutya ng San Pablo 2011 - Lakan at Mutya ng San Pablo 2011 1:00pm 7:00 pm Main Stage City Plaza UPC Night January 9 (Sunday) 12:00 nn CM City San Pablo SM City San Pablo Mall Day 7:00 pm City Plaza Opening Salvo for the Coco Festival Week Long Celebration DepEd Night Laguna Fashion Deginer’s Ass. (LAGDA) Grand Fashion Show (Featuring Local and Top Models) SK Night/ Cocofest Exe. Com Callalily Fireworks Display Side Stage Planters Search For Pinaka-Bibong Batang San Pableño In Cooperation w/ San Pablo City Lions Club Emeral