Nagpapaalaala si City Administrator Loreto S. Amben sa lahat ng may negosyo dito sa Lunsod ng San Pablo na ang renewal of business permit and license ay simula sa Lunes, Enero 3 hanggang Huwebes, Enero 20, 2011 na ang lahat ng applikasyon ay tatanggapin at ipoproseso sa One Stop Processing Center.
Ang pangunahing pangangailangan ay barangay clearance mula sa Tanggapan ng Sangguniang Barangay kung saan nakatayo ang tindahan o punong tanggapan ng negosyo, clearance mula sa Social Security System, at dapat din dalahin ang kanilang business permit and license nitong Taong 2010.
May mga negosyong kinakailangan ang special license, tulad ng mga botica na kinakailangan ang lisensya mula sa Bureau of Food and Drug; ng butil at iba pang pagkain na kailangan ang lisensya mula sa National Food Authority, kaya ipinapayo ng City Administrator na asikasuhin na kaagad ang kanilang application for renewal of business permit para kung may iba pang kasulatang kakailanganin ay makuha ito bago sumapit ang Enero 20, at makaiwas sa pagbabayad ng rekargo na ilalapat sa mga hihiling pagkalipas ng itinatakdang panahon para rito.
Para sa karagdagang impormasyon, ay mangyaring makipag-ugnayan sa Business Permit and License Division ng Office of the City Mayor na nasa Window 7 ng One Stop Processing Center. (CIO/Athan Aningalan)
Comments
Post a Comment