Skip to main content

Posts

Showing posts from March 8, 2009

MGA PAGSUSURING MEDIKAL, HANDOG NI IVY

Sa nakaraang People’s Day ni Congreswoman Ma.Evita R. Arago na ginanap sa Villa Evanzueda sa Barangay San Ignacio, kanyang ibinalita na kaugnay ng pagdiriwang sa Buwan ng Marso bilang National Women’s Month, ang kanyang tanggapan ay magtataguyod ng Pap Smear and Breast Examination sa darating na Martes, Marso 24, sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision simula sa ika-8:00 nh umaga hanggang ika-3:00 ng hapon. Ito ay sa kapakinabangan ng mga may gulang ng kababaihan, lalo na ang mga ina ng tahanan. Nilinaw ng kongresista na ang pagsasagawa ng pagsusuri ay hindi gratis o walang bayad, lamang, ang magpapasuri ay walang magugugol, sapagka’t sasaguting bayaran ng kanyang tanggapan ang lahat ng magugugol sa bawa’t pagsusuri. Sa kapakinabangan naman ng mga pinunong barangay sa sakop ng 3 rd Congressional District, ang Tanggapan ni Kongresista Ivy Arago ay magtataguyod din ng walang babayarang General Executive Check-Up sa darating na ika-13 hanggang ika-

ANNUAL SURVEY OF PHILIPPINE BUSINESS AND INDUSTRY ISASAGAWA NGAYONG ABRIL 2009

Ag National Statistics Office (NSO) ay abala ngayon sa paghahanda ng paglikom ng datos na naaukol sa kalakalan ng bansa na tinatawag na Annual Survey of Philippine Business and Industry (ASPBI). Sisimulan ang pamamahagi ng questionnaires sa Abril 1, 2009 sang-ayon kay Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña. Ipinauunawa ni Bb. Serqueña na ang ASPBI ay naglalayon na makakuha at makaipon ng impormasyon buhat sa gawaing pangkabuhayan ng bansa na sumasaklaw sa taong 2008. Ang tama at napapanahong impormasyon ng negosyo ay magsisilbing batayan ng pamahalaan at pribadong sektor upang masuri ang estraktura ng industriya at mataya ang kalagayan ng kalakalan; makapagsagawa ng epektibong plano at matatag na desisyon para sa kalakalan at makapagbalangkas at makapag- monitor ng mga polisiya tungo sa pagkakamit ng katatagan sa gawaing pangkabuhayan. Karagdagan sa ASPBI ay ang 2008 Survey on Information and Communication Technology (SICT) . Ito ay gagawin upa

RC CALAMBA ON CHIEF OF POLICE CHRISTOPHER TUMBUNGAN

Club President Ronnie de la Cruz presented a certificate of appreciation to the Chief of Police of Calamba City Police Station, P/Supt. Christopher Tambungan, for being their principal guest and main speaker during the recent weekly meeting of the Rotary Club of Calamba held at the Hope Intervention Library in Barangay Halang The meeting was also attended by the club-sponsored Rotaractors, being their true "partners in service" and key members of the family of Rotary. ( Chris Sanji )

MISS PHILHEALTH AREA II

Si Bb. Ava Carag, isang Member Services Officer I na nakatalaga sa PhilHealth Region IV-B na naka-base sa Batangas City ang tinanghal na Miss Philhealth Area II sa katatapos na Work-Life Balance Program na ginanap sa Tagaytay Country Hotel sa Tagaytay City kamakailan, kaugnay ng kanilang paggunita sa ika-14 Anibersaryo ng pagkakatag ng Philippine Health Insurance Corporation. Ang Area II ay binubuo ng mga rehiyon sa Katimugang Luzon at Visayas sa ilalim ng pamamatnubay ni First Vice President Gregorio Rolluda, kaya masasabing si Bb. Carag ay nangibabaw sa lima pang kandidata. Napagwagian din niya ang karangalang Best in Sportswear, at Best in Talent, at isa sa dalawang kinilalang Miss Congeniality. Napag-alaman na ang Region IV-B na pinangangasiwaan ni Assistant Vice President Paolo Johann C. Perez ang nagtamo ng pinakamaraming karangalan kaya sa kabuan ay natamo ng rehiyon ang grand prize ng P20,000-cash. ( Ruben E. Taningco )

Heneral Tristan M. Kison, Nalipat sa 9th Infantry Division

Matapos tanggapin ang kanyang estrella at matalagang Assistant Division Commander ng 9th Infantry Division na ang lawak ng pananagutan ay Bicol Region, ay inilipat ni Brigadier General Tristan Mendoza Kison ang pagiging commander ng 202 nd Infantry Brigade kay Koronel Virgilio M. Espeneli (DSC) sa turn-over ceremonies na ginanap sa brigade headquarters sa Barangay Antipolo, Rizal noong Lunes ng tanghali na pinangasiwaan ni Major General Roland Detabali, Commanding General ng 2 nd Infantry Division ng Philippine Army na may punong himpilan sa Camp Mateo Capinpin sa Tanay, Rizal. Napag-alaman mula kay 1Lt. Celeste Frank L. Sayson ng Public Information Office ng 2 nd Infantry Division na si Col. Virgilio M. Espeneli ay dating Batallion Commander ng 1 st Infantry Batallion sa Laguna, bago natalagang Chief of Staffs and Commander of Task Force Bantay sa headquarters ng Philippine Army, bago nahirang para pamunuan ang 202 nd Infantry Brigade na dati na rin niyang kina

PREQUALIFIED CONTRACTOR, MAPAGTITIWALAAN

Si District Engineer Federico L. Concepcion ay personal na tinitiyak na ang mga kontratista na may proyekto sa sakop ng kanyang sub-district ay ginagamit ang mga kagamitang nakasaad sa kanilang Contractor’s Prequalification Statement.” Kung napapansin na sa mga government project ay mga pamilyar na pangalan ng mga kontratista ang nakalagay sa taurpulin o billboard na gumagawa nito, ito ay hindi nangangahulugan na may paboritong kontratista ang DPWH, kundi nangangahulugan lamang na ang pangasiwaan ng DPWH sa isang engineering district ay umaalinsunod sa itinatagubilin ng Republic Act No. 9184 o Government Procurement Act na pinagtibay noon pang Enero ng 2003 na nagpapahayag ng mga layunin upang mapalaganap ang kamalayan sa marapat at mabuting pangangalaga sa salapi ng bayan ng lahat ng sangay, ahensya, kagawaran, at subdibisyon ng pamahalaan, kasama na ang mga korporasyon na kontrolado ng pamahalaan sang-ayon kay Kongresista Edgar S. San Luis ng Ika-4 Distrito ng Laguna.