SAN PABLO CITY – Sa maikling pakikipanayam kay City Health Officer Job D. Brion noong Lunes ng umaga, ay kaagad niyang ipinahayag ang kanyang kasiyahan sa pakikiisang ipinagkakaloob ng mga punong barangay, at kanilang mga barangay nutrition scholar at barangay health worker upang maabisahan ang kanilang mga kanayon sa araw at oras ng pagdalaw ng vaccination team ng City Health Office upang magbakuna sa mga bata laban sa tigdas. Ang kampanya ng pagbabakuna laban sa tigdas ay sinimulan noong nakaraang Lunes, Abril 4, at matatapos sa Mayo 4. Ang dapat bakunahan ay lahat ng mga batang may gulang na mula sa siyam (9) buwan hanggang pitong taon at 11 buwan, at isinasagawa mismo sa tahanan kung saan nakatira ang bata. O bara-barangay, bahay-bahay, at door-to-door para sa mga naninirahan sa mga apartment. Ang City Health Office ang gumagawa ng eskedyul ng pagdalaw ng vaccination team sa 80 barangay ng lunsod. Personal na na-obserbahan ni Dr. Brion na bago dumalaw sa Barangay