Skip to main content

Posts

Showing posts from June 24, 2007

PROKLAMADO NA SI NINGNING

Pormal ng proklamado si Gobernadora Teresita Santiago Lazaro bilang muling nahalal na Gobernadora ng Lalawigan ng Laguna noong Miyerkoles, Hunyo 27, 2007 sa Santa Cruz matapos tanggapin ng Provincial Board of Canvassers ang Certificate of Canvass mula sa Biñan at naipagpatuloy hanggang sa ganap na natapos ang provincial canvassing. Ang nagtataas ng kamay ng punonglalawigan na nagsimula na ng kanyang ika-3 termino noong tanghaling tapat ng Sabado, Hunyo 30, ay sina Provincial Prosecutor George Dee, Board Vice Chairman, Provincial Election Supervisor Dioscoro P. Pajutan, Board Chairman, Samantalang nakamasid si Provincial Schools Superintendent Lilia T. Reyes, Board Secretary. Nabalam ang proklamasyon ng 43 araw dahil sa nabalam ang canvassing sa Bayan ng Biñan. (CIO-San Pablo)

P O P T A L K . . . . .
Ni Ruben E. Taningco

SENSU NG POPULASYON Sa darating na Agosto ng taong kasalukuyan, ay isasagawa ang population census sa buong bansa sa pangangasiwa ng National Statistics Office (NSO), na ang magiging paksa ng pagtatanong ay ang kalalagayan ng isang sambahayan sa unang araw ng buwan o sa Agosto 1. Ito ang kasunod na sensu ng populasyon na isinagawa noong Taong 2000 na ang reperensya ng pagtatanong ay Mayo 1. Dapat isipin ng lahat, na lubhang mahalaga na maging matapat o tama ang isasagawang pagbibilang ng mga mamamayan sa bawa;t particular na yunit ng pamahalaang lokal, lalo na sa antas ng barangay, sapagka’t ang bilang ng populasyon ang pangunahing batayan sa pagbalangkas ng mga palatuntunang pangkaunlaran. Sa ilalim ng Batas Republika Bilang 7160 o Local Government Code of 1991, ang populasyon ang batayan sa pagtaya sa magiging kabahagi ng isang barangay sa Internal Revenue Alltoment (IRA); paara matustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamayanan. Sa panig ng Kag

PAGPAPAREHISTRO NG ANAK,
ISANG PANANAGUTAN NG MAGULANG

Nagpapaalaala si NSO Laguna Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña na ang pagpaparehistro sa Local Civil Registrar ng kanilang kasisilang pa lamang na sanggol ay isang pananagutan ng isang magulang, at ito ay naaayon sa isang paninindigan ng United Nations Organization na nabigyang diin ng ganapin sa Pilipinas ang National Conference Workshop on First Rights of Children noong Marso 1, 1999. Ayon kay Bb. Serqueña, malinaw na itinatagubilin ng Artikulo 7 ng Convention on the Rights of the Child (CRC), na “Ang sanggol ay dapat ipatala kaagad pagkasilang dito, at ang sanggol ay may karapatan simula sa pagkapanganak dito sa isang pangalan, at karapatan na magkaroon ng pagkamamamayan o nationality.” Sakali’t sa isang barangay o pamayanan ay may masusumpungang mga sanggol o batang lumalaki na hindi pa naipatatala sa Local Civil Registrar, ay makabubuting ang kanilang mga magulang o tagapangalaga ay makipag-ugnayan sa kanilang Local Civil Registrar, na dit

PAGHANDAAN ANG KALAMIDAD

STA. CRUZ, Laguna – Sa dahilang ang katalagahan o appointment ng mga Designated City and Municipal Disaster Manager na sa buong lalawigan ay nasa koordinasyon ng Provincial Social Welfare and Development Officer ay hanggang tanghaling tapat ng Sabado, Hunyo 30, nanawagan si Senior Board Member Karen C. Agapay sa lahat ng mga punumbayan na kaagad ay magtalaga o I-renew ang designation ng mga gaganap nito, at pasiglahin na rin ang kanilang city or municipal disaster coordinating council para ganap na mapaghandaan ang angkop na palatuntunan ng paghahatid mga tulong na pangkagipitan, sakali’t sa kanilang particular na pamayanan ay may magdaan o maganap na kalamidad. Ipinagugunita ni Atty. Agapay na may paalaala ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na sa buwang hinaharap ay may mga palatandaang malaki ang posibilidad na ang bansa ay makakaranas ng La Niña o mga mahahabang oras ng pag-ulan, na may mga pagkakataon pang may ma