SAN PABLO CITY - Bilang tagapangulo ng 11 th Season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) South, iniulat ni former PBA Commissioner Jose Emmanuel “Noli” M. Eala na ang mga opisyal na paglalaro ay gaganapin dito sa Lunsod ng San Pablo sa pagtangkilik ng San Pablo Colleges. Sa kasalukuyan, ang mga competition sports na itinatampok sa komperensya ng mga kolehiyong nakatatag dito sa Timog ng Maynila ay basketball, volleyball, football, swimming, chess, badminton, taekwando, at pingpong o table tennis. Ang demonstration sports ay boxing, at beach volleyball. Ang kahalok na mga institusyon ay ang Don Bosco Technical College sa Mandaluyong City, Lyceum of the Philippines University sa Batangas City, First Asia Institute of Technology and Humanities sa Tanauan City, University of Perpetual Help System sa Biñan, Laguna, Colegio de San Juan de Letran sa Calamba City, San Beda College sa Alabang, Muntinlupa City, De La Salle Lipa City, Philippine Christian University