
Noong Biyernes ng umaga ay kinapanayam nina Chief Eloisa Tagbo at Social Insurance Officer Luningning G. Lee ng PhilHealth San Pablo City Service Center sina Mayor Eladio M. Magampon at ABC President Oscar M. Masa upang maisapalatuntunan ang pagdaragdag sa bilang ng mahihirap na pamilya sa Bayan ng Alaminos na dapat masakop ng palatuntunan sa kaseguruhang pangkalusugan sa ilalim ng sponsored program na ang pondo ay ilalaan ng pangasiwaang lokal. Dito ay marami ng ama ng sambahayan ang naipatala sa tulong nina Gobernadora Teresita S. Lazaro, at Congresswoman Ivy Arago, at ng sangguniang bayan, gayon pa man, ninanasa ni Mayor Magampon na ang bilang ng mabibiyayaan sa ilalim ng palatuntunang panglipunang itinataguyod ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sy maragdagan pa. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment