
Masayang binati at pinasalamatan ni Branch Manager Pablo Lao Garcia (inset) ang mga depositor ng LandBank-San Pablo City noong Biyernes ng umaga dahil sa kanilang patuloy na pagtitiwala sa bangko ng pamahalaan, tuloy inalok ng sorbetes bilang simbolikong pagdiriwang ng ika-46 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Land Bank of the Philippines (LBP) sa bisa ng Batas Republika Bilang 3844 na pinagtibay noong Agosto 3, 1963, sa pangunahing layuning maayos na maipatupad ang mga batas at alituntunin na may kaugnayan sa agrarian reform program ng bansa, at maging makatotohanan ang pagtulong upang maitaas ang antas ng pamumuhay sa mga kanayunan. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment