Nag-number one ang pinagpalang bayan ng Pagsanjan Laguna sa RPT Performance o Real Property Tax Collection Performance para sa Calendar Year 2010. Ito ang napag-alaman mula sa ipinalabas na report mg Bureau of Local Government Finance Regional Office Region IV-A Calamba City. Sa dalawampu't anim na munisipalidad, nanguna ang Pagsanjan makaraang makuha ang 129.53 percent o katumbas ng Actual Tax Collection na 9,925,020.78 pesos, higit pa sa regional target na 7,662,436.20 pesos para sa taong 2010. Pumangalawa sa RPT Performance ang munisipalidad ng Paete at pumangatlo ang munisipalidad ng Alaminos. Makikita sa larawan si Governor Jeorge E.R. Ejercito Estregan, Laguna Provincial Treasurer Evelyn De Guzman at mga Municipal Treasurer na sina Miss Minerva L. Boongaling ng Pagsanjan, Mrs. Menchie P. Espaňola ng Paete at Mrs. SofiaV. Cumpio ng bayan ng Alaminos na nagsitanggap ng Plake ng Karangalan mula sa Gobernador. (PIO Vic A. Pambuan)