MAIPAGKAKAPURING AMA Ang darating na araw ng Linggo, Hunyo 10, ay gugunitain bilang Araw ng mga Ama o Fathers’ Day, kaya may mga otel at mga pook liwaliwan, at maging mga malalaking tindahan, ang naghahandog ng paglilingkod at kagamitang inaakalang makakapagbigay kasiglahan sa mga ama ng tahanan. Sa ginawa ng may pitak nito na pananaliksik, napagtanto na ang mga kinikilala o dinadakilang ama ay anak ng mga dakilang ama. Halimbawa, ang kasalukuyan o pang-43 Pangulo ng Estados Unidos, si George W. Bush, ay anak ng naging pangk41 Pangulo o ni George H. W. Bush. Samantala ang artistang si Grace Kelly na naging Princesa ng Monaco, ay anak ni John B. Kelly Sr. na isang Olympic na nagtamo ng tatlong (3) medalyang ginto sa 1920 and 1924 Olympic Games. Ang kanyang kapatid na si John Kelly Jr. ay naging Olympic Player din. Ang kanilang nilalahukan ay boat rowing. Dito sa Pilipinas, alam ng lahat na si Pangulong Ferdinand E. Marcos ay anak ni Don Mariano Marcos na dina