CALAMBA CITY - Nakatuon ang pansin sa kaisipang “Mahal Ang Magpagamot Ngayon,” ang PhilHealth Service Center dito sa pangangasiwa ni Membership Service Office Moises Dimayacyac Soriano ay patuloy na nagsasagawa ng information education campaign upang mahikayat ang marami pang mamamayan na masakop ng Pambansang Palatuntunan sa Kaseguruahang Pangkalusugan, lalo na ang nabibilang sa mahihirap na sektor ng pamayanan o indigent families, bilang pagtugon sa pangarapin ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ang lahat ay mapagkalooban ng kaseguruhang pangkalusugan.
Ikinalulugod ni Soriano na ang kanilang tanggapan ay tumatanggap ng tulong mula sa mga samahan ng negosyante o mga nangangasiwa ng malalaking bahay kalakal sa mga industrial park dito sa una at ikalawang congressional district, at maging mula sa mga lider ng mga samahang sibiko, organisasyon sa paglilingkod, at kilusang relihiyoso.
Ayon kay Soriano, ang limang pangunahing palatuntunan ng Philippine Health Insurance Corporation ay mga sumusunod: may palagiang gawain o employed sector; sektor ng ipinagbabayad ang sarili o individually paying; mga hindi nagsisipagbayad na kasapi o non-paying member tulad ng mga retiradong kawani; sektor ng overseas workers; at mga miyembrong may tumatangkilik o sponsored indigent family program. (BENETA News)

Comments
Post a Comment