March 4, 2011

ACADEMIC INVESTITURE: PROVIDING HOPE TO MARINDUQUENOS FOR A UNIVERSITY

     BOAC, Marinduque - For the first time in the history of the island province of Marinduque, the lone state college, the Marinduque State College (MSC),  celebrated the selection and installation of its fifth President, Dr. Romulo H. Malvar, on February 17, 2011.  This formal installation of academic leaders, historically known worldwide as investiture and which dates back to the middle ages, is a formal ceremony at which the President receives the authority and symbols of the office from trustees or management board.  This ceremony also serves as the platform of development of the president to publicly express the vision and mission for the coming years.  In his case, Dr. Malvar spelled out what he wants to accomplish not only for the college but for the province as a whole during his administration.

     While the investiture is the formal ceremony of conferring the authority and symbols of a high office in an academia - the president’s office – it is marked with the same pageantry as a commencement or convocation.  Many symbolic and celebratory elements comprise the actual investiture ceremony including the posting of the colors, processional, invocation, welcome messages and salutations or greetings from prominent academic leaders and local government leaders, presentation of the symbols of office, presidential address, recessional and singing of the MSC Hymn. 

     A man of vision who was born on June 15, 1964 in Isok, Boac, Marinduque, Dr. Malvar attended parochial and public schools, and became interested in public administration particularly in educational management, administrative law, civil law, and criminal law.  He earned the degree of Doctor of Philosophy in Public Administration at the University of Santo Tomas and is about to finish the degree of Bachelor of Laws at the Arellano University.   Because of his eagerness to participate in the challenges of educational development and organizational management and concerned with youth as nation’s greatest resource, he sought the road to the highest position of MSC.  As College President of this lone state institution of higher education in this island province, he “dreams of Marinduque State College to be a premier University in the region.”

March 1, 2011

San Pablo bans plastic bags

SAN PABLO CITY, Philippines – An ordinance banning the use of plastic bags and Styrofoam in department stores, supermarkets and food chains will take effect in this city on March 1.
Mayor Vicente Amante and city administrator Loreto Amante said the scheme will greatly help protect the environment as it will prevent the clogging of canals, creeks, rivers and various waterways that usually cause recurrent flooding or flash floods in the city.
From March 1 until August, business establishments in the city should start disposing of their plastic and Styrofoam materials, Amante said. Violators would face imprisonment, cancellation of licenses to operate, and fines.

PAGKILALA SA MALASAKIT SA KATUNGKULAN


Sa flag ceremony sa City Hall noong nakaraang Lunes ng umaga, ay pinagkalooban ni Chief of Police Leonard Landicho Luna ng Katibayan ng Pagpapahalaga at Pagbati si Public Safety Assistance Force Member Ranilo H. Hernandez dahil sa kanyang pagkadakip sa isang Rodolfo Javier Abbarientos samantalang ito ay nagtatangkang pasukin para pagnakawan ang Focus Advertising Shop sa may panulukan ng A. Mabini Street at Jose P. Rizal Avenue noong nakaraang Biyernes, Pebrero 25, 2011. Isang casual employee  sa General Services Office sa loob ng 11 taon, ito ang ikalawang pagkakataong siya ay nakadakip ng nagtatangkang lumabag sa mga umiiral na batas.  Sa larawan, samantalang iniaabot ni City Administrator Loreto S. Amante ang katibayan ng pagkilala, samantalang nakamasid sina Supt. Leo Luna at PSAF Chief Roberto Cuasay. (CIO-San Pablo City)

FILIPINO-CHINESE FIRE BRIGADE, LAGING NAKAHANDA

Sa pangunguna ni Pangulong Ricky Tan, ang San Pablo City Filipino-Chinese Fire Prevention and Civic Welfare Association, Inc. (SPCFCFPCWAI) ay nagsasagawa ng regular fire drill o pagsasanay sa wastong pagsugpo ng sunog, at ang pangunahin dito ay ang pagtiyak na ang kanilang mga kagamitan sa pagpatay ng sunog ay nasa tamang kaayusan at maaasahang magagamit para makatugon sa mga pangkagipitang tawag para tumulong sang-ayon kay Gng. Elizabeth Lim-Vilal, ang Group’s Fire Coordinator.

     Maraming Filipino-Chinese Fire Prevention Volunteer Team sa bansa, at tanging si Beth Lim ang lady volunteer na aktibong nakikilahok sa mga aktwal na fire fighting activities, at bilang group’s Fire Coordinator, siya ay nagtatag ng isang sistema upang ang mga pangunahing kasapi ng asosasyon na sina Volunteer Firemen June Yu, Fernando “Totoy” See, Jason Sy, Randy Lim, Edmund Wong, Tony Uy, Melvin Tan, Roel Lozada, Julio Tan, Eddie Ong, at Roger Villanueva ay dagliang matatawagan sakali’t may magaganap na sunog hindi lamang sa lunsod na ito, kundi maging sa mga kanugnog na munisipyo.

     Isang kalakaran na kung may nagaganap na sunog sa labas ng lunsod, at ang mga kagamitan ng San Pablo City Fire Station na pinakikilos ng Bureau of Fire Prevention ay tutulong, ang SPCFCFPCWAI ang maiiwanan para magbantay sa kalunsuran laban sa sunog, kaya sila ay may tuwirang pakikipag-ugnayan sa himpilan ng nabanggit na kawanihan.

     Samantala, kaugnay ng pagdiriwang sa Buwan ng Marso bilang Fire Prevention Month, nagpapaalaala ang SPCFCFPCWAI sa lahat na isagawa ang mga sumusunod na pag-iingat laban sa sunog:

1.    Ilagay o isulat sa isang hayag na lugar ang numero ng telepono ng San Pablo City Fire Station; 

2.    Panatilihing malinis at maayos ang kapaligiran ng tahanan, at tiyaking walang kakalat na mga tuyong basura o bagay na madaling masunog sa kapaligiran ng tahanan o paggawaan; 

3.    Tiyaking ang posporo at lighter ay hindi maaabot at mapaglalaruan ng mga bata, at ng mga matatandang may batang isip; 

4.    Ang kandila at ilawang de gaas o petrolyo ay huwag sisindihan sa malapit sa kurtina, at sa mga dako ng tahanan na maaari itong matumba; at 

5.    Laging ipasusuri ang mga linya ng kuryente sa mga may kamalayan sa electrical connection at iwasan ang subrang “load” sa mga outlet nito, at ang mga sumusabog na fuse ay huwag papalitan ng ano mang metal, kundi bagong fuse din na may tatak ng Bureau of Product Standards o ng DTI. Huwag ding magiimbak ng gasoline at petrolyo sa loob ng tahanan.

     Sa paaalaala ni Beth Lim, dapat ding iwasan ang mag-iwan ng may sinding sigarilyo sa ash tray dahil sa ang upos ay maaaring malaglag sa mga bagay na madaling masunog, at kasama ng first-aid kit, ay dapat ding may maayos na fire extinguisher sa bahay.  (Ruben E. Taningco)

PAGLINGAP SA MGA BATA NG KABATAAN

Ang lahat ng mga batang mababa ang timbang batay sa Operation Timbang na isinagawa ng mga Barangay Nutrition Scholars sa Barangay Banka-Banka sa Nagcarlan ang nabiyayaan ng Feeding Program na itinaguyod ng Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni Chairman Donnah Mariz V. Archinges, sa tulong ni Board Member Rey DT Paras na ginanap sa Banka-Banka Nutrition Center noong nakaraang Sabado ng umaga, Pebrero 26, 2011. Ang nabanggit na Feeding Program ay kasama sa agenda ni SK Chairman Archinges sa layuning maitaas ang antas ng kalusugan at kaisipan ng mga bata na bahagi ng kanilang pamayanan. (Kevin Pamatmat)

LANDING POINT, IPINAKILALA SA MGA PUNUMBAYAN

Si Legionaire Mamerto Urrea Angeles ay isa sa iilan ng nagging buhay na saksi sa naganap na pagliligtas sa tatlong pilotong Americano napabagsak ang kanilang eroplano sa may Laguna de Bay hanggang sa ito ay sunduin sa “Landing Point” sa Tayak Hill  noong Pebrero 22, 1945. (Batang Rizal Photo)
     RIZAL, Laguna – Sa buwanang pulong ng Municipal Mayors League of Laguna na pinangasiwaan ni League Vice President Wilfredo O. Paraiso na ginanap sa Tala Hotel and Resort ditto noong nakaraang Huwebes, Pebrero 24, 2011, ay nagging isang pagkakataon na sa pamamagitan ng isang video presentation ay naipakilala ni Vice Mayor Ferdinand O. Sumague ang “Landing Point” na siyang pinakasentro ng Tayak Hill na pinauunlad ng Pangasiwaang Lokal ng Rizal bilang isang ecological tourism park.

     Mahalaga ang Kaburulan ng Tayak sa kasaysayan ng Katimugang Tagalog, dahil sa ito ang naging kaugnayan ng mga gerilya o ng mga pangkating laban sa pananakop ng mga Hapon,  Dito dinadagit ng mga Sandatahang Lakas ng Estados Unidos ang mga pilotong napababagsak ang kanilang eroplano ng mga kaaway,  at dito rin naibababa ang mga panustos na kagamitang pandigma na nakatulong upang mapadali ang pagputol sa panahon ng pananakop sa bansa, at mabalik ang Kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 gaya ng ipinangako ng Pamahalaang Americano noon, paliwanag ni Vice Mayor Ferdinand Sumague. 

     Sang-ayon kay Atty. Romulo Urrea noong mga panahong siya ay Provincial Attorney, siya raw ay mahigit lamang na 12 taon ng mapasama sa isang pangkat ng mga gerilya, at nagkataong sa Tayak sila nakapagkuta, kaya nasaksihan niya na sa tulong lamang ng pala at patik ay napatag ang isang bahagi ng  sityo, na bagama’t sa pakinig niya ay halos 300 metro lamang ang haba ng hinawan at pinatag na paliparan o “landing”, ligtas na nakabababa rito ang mga observation plane na tinatawag noong Piper Cub o Tutubig, dahil sa ito ay nasa isang talampas o plateau kaya may sapat na lugar para ang eroplano ay makababa sa lebel ng tatakbuhang lupa. Mahirap naman itong puntahan ng mga Kawal ng Hapon dahil sa ito na napoproteksyonan ng mga dalisdis kung saan ang mga gerilya ay may nakahandang mga malalaking bato, na kung may darating na kaaaway ay basta ito itutulak para gumulong na papababa sa mga kalaban. (Ruben E. Taningco)

Sign Up Now!!!!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Disqus for Balitang San Pablo : Online