Sa pangunguna ni Kapatid na Warren Flores, ministrong destinado sa Lokal ng San Pablo City, ay nilagyan ng pananda ang bawat punong kanilang itinanim sa kaburulan ng Barangay Atisan, San Pablo City, kaalinsabay ng paggunita ng lokal ng kanilang ika-79 taon ng pagkakatatag, upang magsilbing gabay sa mga monitor na sa panapanahon ay dadalaw sa lawak ng kanilang pinagtaniman para ang mga punong itinanim ay mapangalagaan, sang-ayon kay City Environment and Natural Resources Officer Ramon R. de Roma. Ang mabubuhay na mga puno ay aalamin pagkalipas ng tatlong taon kaalinsabay ng pag-alaala sa sentenyal ng Iglesia Ni Cristo sa Taong 2014. ( Bong B. Guarino )