Skip to main content

Posts

Showing posts from July 1, 2007

INAUGURAL CEREMONY GINANAP PARA SA MGA PINUNONG HALAL

SAN PABLO CITY - Para sa isang makabuluhan at epektibong pamamahala pinasimulan ng isang banal na misa ang unang araw ng paglilingkdo ng mga halal na opisyal ng lunsod. Ang misa na pinangasiwaan ni Msgr. Melchor Barcenas, Kura Paroko ng Parokya ni San Pablo, Unang Ermitanyo, na ginanap noong Hulyo 2, 2007 sa One-Stop Processing Center. Sinundan ito ng Palatuntunan ng Pagtataas ng Watawat. Hiniling ng lahat ng mga opisyales sa pangunguna nina Mayor Vicente B. Amante at Vice-Mayor Frederick Martin A. Ilagan, na bigyan sila ng pagkakataong maipagkaloob ang taus-pusong paglilingkod sa mamamayan. Nanawagan din ang bawat isa na kalimutan na ang pulitika, manapa’y magkaisa para sa kaunlaran at kagandahan ng lunsod. Isang maalab na pagtanggap naman ang tugon ng mga tao sa panawagan ng mga halal ng bayan, sa pangunguna ng mga hepe ng iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pangasiwaang local, kasama ang mga sangay ng mga tanggapan ng pangasiwaang pambansa sa lunsod na ito. Ang inaugural ceremony a

MOBILE PASSPORTING SA ARAGO

Nagpapaalaala si Congresswoman Maria Evita R. Arago (3rd District, Laguna) na ang kanyang tanggapan ay magtataguyod ng Mobile Passporting sa pakikipagtulungan ng Regional Consular Office sa Lucena City ng Department of Foreign Affaairs sa darating na Sabado, Agosto 4, 2007, simula sa ika-8:00 ng umaga sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco. Kaugnay nito, tinagubilinan ni Alkalde Vicente B. Amante ang Local Civil Registrar, ang City COMELEC Office, at ang Satellite Office ng National Bureau of Investigation (NBI) na makipagtulungan sa ikapagtatagumpay ng palatuntunang ito ni Rep. Ivy Arago upang ang mga applicant for the issuance of passport ay madaliang mapagkalooban na kinakailangan mga kasulatan, na ito naman ay maayos na maisasagawa dahilan sa ang proyekto ay magagawang on-line. Ang requirements o pangangailangan sa paghiling ng passport ay ang mga sumusunod: 3 kopya ng passport-size (4.5 cm x 3.5 cm.) picture na maayos ang kasuutan at pu