Skip to main content

INAUGURAL CEREMONY GINANAP PARA SA MGA PINUNONG HALAL

SAN PABLO CITY - Para sa isang makabuluhan at epektibong pamamahala pinasimulan ng isang banal na misa ang unang araw ng paglilingkdo ng mga halal na opisyal ng lunsod. Ang misa na pinangasiwaan ni Msgr. Melchor Barcenas, Kura Paroko ng Parokya ni San Pablo, Unang Ermitanyo, na ginanap noong Hulyo 2, 2007 sa One-Stop Processing Center. Sinundan ito ng Palatuntunan ng Pagtataas ng Watawat.

Hiniling ng lahat ng mga opisyales sa pangunguna nina Mayor Vicente B. Amante at Vice-Mayor Frederick Martin A. Ilagan, na bigyan sila ng pagkakataong maipagkaloob ang taus-pusong paglilingkod sa mamamayan. Nanawagan din ang bawat isa na kalimutan na ang pulitika, manapa’y magkaisa para sa kaunlaran at kagandahan ng lunsod. Isang maalab na pagtanggap naman ang tugon ng mga tao sa panawagan ng mga halal ng bayan, sa pangunguna ng mga hepe ng iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pangasiwaang local, kasama ang mga sangay ng mga tanggapan ng pangasiwaang pambansa sa lunsod na ito.

Ang inaugural ceremony ay dinaluhan nina Mayor Amante, Vice-Mayor Ilagan, Councilors Danilo R. Yang, Richard C. Pavico, Diosdado A. Biglete, Alejandro Y. Yu, Angelo L. Adriano, Leopoldo M. Colago, Eleonor T. Reyes, Dante B. Amante, Arsenio A. Escudero, Jr., Paolo Jose C. Lopez, at ABC President Gener B. Amante.

Sa harap ng taumbayan, sabay-sabay na nanumpa sa katungkulan ang lahat ng halal na opisyales sa pamamatnugot ni Executive Judge Agripino Morga at sinaksihan ng mga pinuno at kawani ng lokal at nasyonal na pamahalaan pati na ng mga kinatawanan ng pribadong sektor at NGOs. (CIO/ngqv)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pangkabuhayan at umiral an

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci