Nagpapaalaala si Congresswoman Maria Evita R. Arago (3rd District, Laguna) na ang kanyang tanggapan ay magtataguyod ng Mobile Passporting sa pakikipagtulungan ng Regional Consular Office sa Lucena City ng Department of Foreign Affaairs sa darating na Sabado, Agosto 4, 2007, simula sa ika-8:00 ng umaga sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco.
Kaugnay nito, tinagubilinan ni Alkalde Vicente B. Amante ang Local Civil Registrar, ang City COMELEC Office, at ang Satellite Office ng National Bureau of Investigation (NBI) na makipagtulungan sa ikapagtatagumpay ng palatuntunang ito ni Rep. Ivy Arago upang ang mga applicant for the issuance of passport ay madaliang mapagkalooban na kinakailangan mga kasulatan, na ito naman ay maayos na maisasagawa dahilan sa ang proyekto ay magagawang on-line.
Ang requirements o pangangailangan sa paghiling ng passport ay ang mga sumusunod: 3 kopya ng passport-size (4.5 cm x 3.5 cm.) picture na maayos ang kasuutan at puti ang dakong likuran; authenticated birth certificate mula sa National Statistic Office; dalawang valid ID, tulad ng company ID, voter’s ID, Driver’s License, school ID, at NBI Clearance.
Kung may asawa, ay authenticated Marriage Contract, at ang kabayaran ay P750.00 bawa’t passport.
Para sa karagdagang impormasyon, ang Tanggapan ni Congresswoman Ivy Arago ay nasa may Doña Leonila Park kaugnay ng Girl Scouts Headquarters, at ang telepono ay (049) 562-0577. (BENETA News)

Comments
Post a Comment