Nais ipabatid ni Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña ng National Statistics Office (NSO)-Laguna na limang estudyante ng apat na kolehiyo ang nanguna sa tagisan ng talino sa estadistika sa Philippine Statistics Quiz- Provincial Elimination noong ika-23 ng Oktubre, 2009 sa Cultural Center, Provincial Capitol, Sta. Cruz, Laguna. Sila ay ipadadadala sa Lipa City sa ika-12 ng Nobyembre 2009 upang makipatunggali sa iba pang mga kalahok ng ibat-ibang lalawigan na nasasakop ng NSO-Region IV-A (CALABARZON). Ang unang mananalo sa Regional Elimination ay makakalahok naman sa national finals sa buwan ng Disyembre 2009. Buhat sa Laguna, mapalad na nagwagi ng unang karangalan si Driesch Lucien R. Cortel, estudyante ng University of the Philippines – Los Baños, Laguna na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Statistics. Ginabayan siya ng kanyang coach na si Ms. Nellwyn M. Levita. Dalawang estudyante naman buhat sa Laguna College ang magkasunod na umani ng ikalawa at