Skip to main content

Posts

Showing posts from May 30, 2010

ARAW NG KALAYAAN, GUGUNITAIN SA SABADO

  Noong nakaraang taon, ang pagtataas ng watawat ay pinangasiwaan ng liderato ng San Pablo City Reservists Association.      SAN PABLO CITY – Si City Schools Division Superintendent Enric T. Sanchez ang tatalakay  sa kahulugan at kahalagahan ng paggunita sa ika-112 Taon ng Pagkapagpahayag ng Kalayaan ng Pilipinas sa darating na Sabado, Hunyo 12, 2010 sang-ayon sa paanyayang tinanggap ng pahayagang ito.      Sa palatuntunang gaganapin sa harapan ng bantayog ni Dr. Jose P. Rizal sa liwasang lunsod simula sa ganap na ika-7:30 ng umaga, ang bibigkas ng pambungad na pananalita matapos na maitaas ang watawat ay si Vice Mayor-Elect Angelita E. Yang. Bibigkas din ng pananalita si dating Vice Mayor Palermo A. Bañagale bilang pangulo ng San Pablo Cultural and Historical Society. Magsasalita rin sina Congresswoman Ma. Evita R. Arago at Alkalde Vicente B. Amante.      Ang pag-awit ng doksolohiya at Lupang Hinirang ay sa pangunguna ng Koro ng mga Pinuno at Kawani ng Pangasiwaang Lunsod

Bantayog ni Dr.Jose P. Rizal

Ang piguren sa bantayog ni Dr.Jose P. Rizal na inilalarawang dala ng pambansang bayani ang “dalawang aklat” na ang daang kanyang tinatahak ay tinatanglawang ng kaniyang Inang Lupa o Motherland. Lamang ay walang masumpungang tala sa kung sino ang may disenyo at eskultuor nito. Kuha ng may ulat nito ang larawan noong umaga ng Hunyo 12, 1998.

ARAW NG KALAYAAN, GAGANAPIN SA DAMBANANG PANGKASAYSAYAN NG MUNISIPYO

     ALAMINOS, Laguna - Si Alkalde Eladio M. Magampon M.D. ang magiging pangunahing tagapagsalita sa palatuntunan ng paggunita sa ika-112 Anibersaryo ng Pagkapagpahayag ng Kalayaan ng Pilipinas sa darating na Sabado,  Hunyo 12, 2010, sa pagtataguyod at pag-uugnay-ugnay ng Tanggapan ng Tagamasid Pampurok ng mga Paaralan Bayan ng Alaminos sa pamamatnugot ni G. Romulo C. Dicdican, tagamasid. Ang palatuntunang magsisimula sa ganap na ika-7:00 ng umaga ay gaganapin sa harapan ng bantayog para sa alaala ni Dr. Jose P. Rizal sa kahabaan ng Jose P. Rizal Street, o sa crossroad ng bayang ito na daanan ng mga turistang nagtutungo sa Hidden Valley Resort sa Calauan.      Ayon kay G. Dicdican, minamarapat ng Department of Education bilang tagapangulo ng pang-alaalang pagdiriwang/palatuntunan sa bayang ito, na ang taunang paggunita ng araw ng kalayaan ay ganapin sa kapaligiran ng bantayog para sa alaala ni Dr. Jose P. Rizal, sapagka’t ito ang kinikilalang “dambanang pangkasaysayan” sa bayang i

PANANDANG PANGKALIGTASAN

Ang rail guard (kaliwa) at ang wheel guard ay disenyo hindi para pigilan o patigilin ang isang tumatakbong sasakyan, kundi ito itinatayo ng Department of Public Works and Highways sa baybayin ng mga pambansang lansangan para paalalahanan ang mga motorista na sa likod nito ay may malalim na hukay o kanal upang sila ay maging maingat sa pagmamaneho sang-ayon kay District Engineer Federico L. Concepcion. ( Ruben E. Taningco )

IWASAN ANG KARANGYAAN SA PAGPASOK

SAN PABLO CITY – Bagama’t ang himpilan ng pulisiya, sa tulong ng mga kabalikat na kusangloob na nakikipagtulungan sa pangangasiwa sa kapanatagan at katahimikan ng lunsod, ay may naihanda ng plano para mapangalagaan ang kagalingan ng mga kabataang mag-aaral, nagpapaalaala si Chief of Police Ferdinand D. de Castro sa mga magulang, lalo na yaong ang anak ay pinapapag-aral sa mga pribadong institusyon, ay iwasang ang kanilang mga anak ay kakitaan ng karangyaan sa kanilang pagpasok.      Hindi dapat umano itong papagsuutin ng mga mamamahaling hikaw at kuwintas, na kung pinapapagdala ng cellphone ay dapat na ito ay nasa bag o nakatago, para huwag maging katuksotukso sa mga masasamangloob.      Dapat ding pinipili ang mga tricycle driver jeepney driver na kinakausap upang ihatid at sunduin ang kanilang anak sa paaralan, ang dapat kilala nila ang pagkatao ng mga ito, sapagka’t kapanatagan ng kanilang anak ang dito ay nakasalalay. At kung maaari ay ipinakikilala ang mga ito sa guwardya

KALUSUGAN NG MGA INA AT BATA, PAGTUTUUNAN NG PANSIN

CALAUAN, Laguna – Bilang isa ring karaniwang ina ng tahanan na nadarama ang mga pangunahing suliranin ng isang sambahayan, nabanggit ni Mayor-Elect Felisa “Baby” L. Berris na pagtutuunan ng pansin ng kanyang pangasiwaan ang pangangalaga sa kalusugan at kagalingan ng mga ina, at ng mga bata o maternal and child health care sa ilalim ng kaisipang magiging matatag lamang ang isang sambahayan kung ang mga bumubuo nito ay nasa malusog na kalalagayan. Siyempre pa nakatitiyak ang mga mamamayan ng bayang ito na kanyang ipagpapatuloy ang mga palatuntunang sinimulan sa pangangasiwa ni Future Ex-Mayor George Berris na pagpapaunlad sa sistema ng edukasyon, hindi lamang sa lebel ng elementarya at sekondarya, kundi maging sa antas ng kolehiyo, katulad ng pagkapagtayo rito ng extension campus ng Polytechnic University of the Philippines kung saan maraming local resident ang nabibigyan ng pagkakataong makapagtamo ng college education sa larangan ng pagtuturo at pangangalakal, sapagka’t naniniwala s

LINYA NG KURYENTE SA SAN PABLO CITY – LIPA CITY ROAD

     ALAMINOS, Laguna – Naalaala ni Reelected Councilor Jaime M. Banzuela na napagtibay na ng Sangguniang Bayan ng Alaminos ang kapasiyahang humihiling kay Congresswoman Ma. Evita R. Arago na tulungan ang Municipal Government of Alaminos na ang 7.4-kilometer  Alaminos Section ng San Pablo City – Lipa City Road, na kilala sa bayang ito sa katawagang CALABARZON Road,  ay malagyan ng secondary line ng Manila Electric Company (MERALCO). Ito ay mula sa Maharlika Highway sa Barangay San Agustin na tatahak sa mga Barangay ng San Miguel, Santa Rosa, at Palma.      Kaugnay nito, nabanggit na rin ni Konsehal Jimmy Banzuela, na sa kanyang pakikipag-ugnayan sa Tanggapan ni Congresswoman Ma. Evita “Ivy” R. Arago bago ang nakaraang halalan, ang proyektong ito ay mapupunduhan mula sa kanyang tinatanggap na Priority Development Assistance Fund (PDAF), o sa ilalim ng Rural Electrification Program ng Tanggapan ng Pangulo ng bansa, at pagtutuunan ng pansin ng kanyang tanggapan sa pagsisimula ng kany