Maaaring naaalaala pa ng marami, pagka-upo ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago noong Hulyo ng 2007, ang isa sa unang panukalang batas na kanyang inilahad sa Kongreso ay ang House Bill No. 2662 na sususog sa Batas Republika Bilang 4850 na lumilikha sa Laguna Lake Development Authority (LLDA), na sinusugan ng Presidential Decree No. 813 noong Oktubre 17, 1975, at Executive Order No. 927 noong Disyembre 16, 1983, na naglalayon na ang pangangasiwa at pagpapaunlad sa pitong (7) lawa ay mabalik sa Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo. Magugunita na dahil sa pagkapagpatibay sa Executive Order No. 927 na nagpapalawak sa sakop ng Laguna de Bay Region, ang mga lawa at ilog sa sakop ng Lunsod ng San Pablo ay nasakop o sa operasyon ng batas ay naging pag-aari ng Laguna Lake Development Authority, at ganap na nawalan ng poder ang pangasiwaang lokal upang mapaunlad at tuwirang mapakinabangan ang mga biyayang ito ng kalikasan sa mga mamamayan ng lunsod. Bilang dating first councilor ng luns