San Pablo City - Sinanay sa isang seminar-workshop ang iba’t-ibang kawani ng Pamahalaang Lunsod ng San Pablo sa Public Service Ethics and Accountability nuong nakaraang Nobyembre 3-5 na ginanap sa ABC Training Center. Dumalo ang iba’t-ibang pinuno at kawani ng mga tanggapan sa tatlong araw na seminar-workshop sa pagtataguyod ng City Human Resource Management Office sa pamumuno ni CHRM Officer Elvira A. Celerio.
Ang Public Service Ethics and Accountability (PSEA) ay umaalinsunod sa United Nations Development Program na nauukol sa anti-corruption and ethics sa pamahalaan. Layunin ng seminar ang ipaalam at ituro kung ano ang ethical and accountable service para sa publiko. Nagtataas din ito ng kakayahan ng mga participants na maging maganda ang takbo ng pagtatrabaho nila sa kanilang mga staff. At kung papaano mas magiging friendly, participative, effective and efficient para sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa lahat ng mamamayan.
Si Director Emma Barrera ng Civil Service Commission, Sta. Cruz, Laguna ang naging resource speaker sa iba’t-ibang sessions, group discussion, case studies at action plan na ginawa at nabuo ng mga dumalong participants.
Natutunan ng mga participants ang pagkilala sa kanilang sariling personalidad, relasyon sa mga kapwa kawani at layunin nila sa kanilang mga trabaho; mga ethical isyu at problema kaugnay sa responsibilidad sa workplace; accountability at transparency sa trabaho; pag-iwas at paglaban sa corruption at kung paano makakatulong ang mga pinuno ng tanggapan sa mga nabanggit na isyu sa sarili niyang tanggapan. Nagpaabot naman si Mayor Vicente Amante ng kanyang pasasalamat at kasiyahan sa CHRMO sa kanilang patuloy na pagsasagawa ng iba’t-ibang seminar upang lalo pang tumaas ang uri ng pagbibigay serbisyo ng mga government employee sa lahat ng mamamayan ng lunsod. (CIO/San Pablo City)
Comments
Post a Comment