Skip to main content

Posts

Showing posts from June 22, 2008

REPLICA NG BARIL, MATAGAL NG BAWAL SA SAN PABLO

Sa kasalukuyan, ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay kumikilos upang masugpo ang paglaganap ng mga hindi lisensyadong baril, at ng mga laruang baril na ang kayarian ay katulad o kawangis ng mga tunay na baril sang-ayon sa ulat na inilathala ng Manila Standard Today noong Miyerkoles ng umaga. Muli ang Senado ay nagpatibay ng isang panukalang batas na maglalapat ng higit na mabigat na parusa sa mga mararapatang nag-iingat ng walang lisensyang baril, at mga magsisipagbenta ng baril, bala, at paputok. Ang Malaking Kapulungan naman ay muling nagpaalaala sa Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, at Department of Finance upang masugpo ang pagpasok ng mga replica ng baril, lalo na yaong nakakatulad ng assault weapon. Ito umano ay upang masugpo ang mga krimeng ang nagsasagawa ay pawang nagsisipagtaglay ng baril, na maaaring dahil sa takot, ay hindi napapansin ng mga biktima na ang ginamit na pantakot ay laruan lamang. N

SAKIT NA PULMUNIYA O MENINGETIS

P O P T A L K . . . . . Ni Ruben E. Taningco Sa mga ulat na sa panapanahon ay ipinalalabas ng World Health Organization (WHO), ay karaniwang binabanggit na tauntaon ay umaabot sa 1.6-milyon ang bilang ng mga batang wala pang limang (5) taong gulang ang namamatay dahil sa pneumococcal disease (PD) o ang kilala rito sa Pilipinas na pulmoniya o kung ang ulo ang sumasakit ay meningitis. Ang pulmoniya ay bunga ng pagkakaroon ng koloniya isang uri ng bacteria na kinikilalang Streptococcus pneumoniae o pneumococcus sa daanan ng hininga na lubhang nakakaapekto sa kalalagayan ng baga na nagiging sanhi ng kamatayan. Ito ay naihahawa o naililipat sa mga nakakatabing sambahay o kasamahan sa isang lugar sa pamamagitan ng pagbahin, pag-ubo o lubhang malapitang pagtatabi, na bagama’t ito ay kinikilalang isa sa pangunahing sakit sa mundo na nagiging sanhi ng kamatayan, lalo na sa mga batang wala pang limang (5) taong gulang, dito sa Asia Pacific Region ay hindi pa nababatid na

MGA GAMPANIN NG BARANGAY SECRETARY

ALAMINOS, Laguna – Bilang tagapayo ng Liga ng mga Barangay, nagpapaalaala si Mayor Eladio M. Magampon MD sa lahat ng mga kalihim ng barangay o barangay secretary sa bayang ito na kanilang alalahanin ang itinatagubilin sa Seksyon 394 ng Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160 na sila ay may pananagutang maghanda ng maayos na talaan ng lahat ng kasapi ng barangay assembly, na ang nabanggit na talaan ay dapat may mga siping nakapaskel sa ilang hayag na lugar sa barangay; at kinakailangang maghanda at mag-ingat ng maayos na record ng lahat ng resident eng barangay na nalagay ang sumusunod na impormasyon: pangalan, tirahan, dako at petsa ng kapanganakan, kasarian, kalalagayan sa buhay, pagkamamamayan, gawain o hanapbuhay, at iba pang datus na makatutulong sa ganap na ikakikilala sa isang residente. Ang barangay secretary ay dapat ding may maayos na pakikipag-ugnayan sa Local Civil Registrar para sa pagpapatala ng mga ipinanganganak, namamatay

SUSI NG BAHAY, IPINAMAHAGI

CITY OF SANTA ROSA– Sinimulan na ng Local Inter-Agency Committee ang pamamahagi ng mga susi sa mga housing units para sa mga benepisyaryo ng pabahay kaugnay ng South Rail Project. Ang Local Inter-Agency Committee (LIAC) ay itinayo upang pangasiwaan ang paglipat ng mga taga-riles sa Southville 4, ang housing project na nakalaan sa mga pamilyang apektado ng pagpapalawak ng mga daang bakal sa ilalim ng South Rail Project ng pambansang pamahalaan. Ang LIAC ay binubuo ng mga opisina ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Santa Rosa, at mga pambansang ahensya tulad ng National Housing Authority (NHA), Philippine National Railways (PNR), Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), Philippine Commission for the Urban Poor (PCUP), at Commission on Human Rights (CHR). Sinisiguro ng Committee na mahusay ang pasibilidad ng pabahay at maayos na makalipat ang mga benepisyaryo. Isinagawa ang serye ng pamamahagi ng mga susi para sa mga pamilyang nabiyaya

BATANG PABLO’Y, UMANI NG GINTO SA VIETNAM

Si Carl Angelo D. Perez, kaisa-isang anak ng mag-asawang Millian A. Perez at dating Frances Melecia Dizon ng Barangay San Roque, San Pablo City, ay umani ng medalyang ginto ng siya ay lumahok sa 9 th ASEAN Age-Group Chess Championship na ginanap sa Danang City, isang coastal city sa Vietnam, noong nakaraang Hunyo 9 – 18, 2008. Siya ay kagawad ng three-man Philippine Team para sa Under 12 Year Old Category.Ang kanyang team-mate ay sina John Ray Butucan ng Davao City, at Vince Angelo Medina ng Bacoor, Cavite, at ang kanilang coach ay si International Master Idelfonzo Datu. Sang-ayon kay dating Kongresista Prospero Petchay, pangulo ng National Chess Federation of the Philippines, ang napagwagian ng Philippine Team sa Under 12 Category ay gold medal ng tanghalin silang kampyon sa standard chess competition matapos talunin ang national team ng Vietnam, at bronze medal sa blitz chess competition (Five Minutes Game) ng sila ay maging third placer sa labanang nilahukan ng sampon

Government Subsidy in Meralco Bill

Personal na pinangunahan ni Land Bank Department Manager Evelyn L. Malapaya (nakasalaming nakaupo sa dulong kanan) ang pagbabayad sa mga MERALCO Subscriber sa San Pablo City at mga Bayan ng Alaminos, Calauan, Rizal, at Nagcarlan sa Laguna, at Dolores at Tiaong sa Quezon na ang konsumo ay hindi humihigit sa 100 kilowatt ng subsidy na sinubaybayan at pinangalagaan nina City Administrator Loreto S. Amantte at Police Inspector Rolando A. Libed sa One Stoip Processing Center na ipinagpapasalamat ng mga apektadong mamamayan. ( 7LPC Photo Release ).

PAMAMAHAGI NG ABONO, TINALAKAY NI DIRECTOR BRAGAS

Si Regional Executive Director Abelardo Bragas ng Department of Agriculture-Region 4-A ay nagpatawag ng komperensya ng mga provivincial and city agriculturist sa kanilang punongtanggapan sa Quezon City noong Lunes upang maipaunawa ang mekanismo ng pamamahagi ng abono bilang pag-alinsunod sa Fertilizer Subsidy Program na isinusulong ni Agriculture Secretary Arthur Yap sa tagubilin ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo upang masigla ang produksyon o maitaas ang ani ng palay sa mga palayan sa CALABARZON. Batay sa timetable ni Bragas, ang abono ay dapat maipamahagi bago nmatapos ang buwan ng Oktubre, na siyang panahon na kinakailangang ang mga palayan sa rehiyon ay dapat lagyan ng abono sa ikatitiyak ng katatagan ng imbentaryo ng panustos na butil sa Katimugang Tagalog. ( RET )

KONSULTASYON SA MGA LIDER NG BARANGAY

Ang mga bumubuo ng Liga ng mga Barangay sa Alaminos, sa pangunguna nina Mayor Eladio M. Magampon at ABC President Oscar Masa ay dumalaw noong isang tanghali kay Congresswoman Ma. Evita R. Arago sa Sityo Balok upang mapagtalakayan ang mga tulong na naipagkaloob na ng mambabatas sa kabuuan ng munisipyo, at ang mga ispisipikong suliranin na dapat pang solusyonan bago matapos ang taong kasalukuyan para sa kagalingan ng mga mamayan na tila ngayon lamang makatotohanang napagtutuunang tulungan ng pamahalaang pambasa. ( 7LPC Photo )

PHILIPPINE ARMY, NAGBIBIGAY-DAAN SA KAUNLARAN

Nang si Koronel Tristan Mendoza Kison, ang bagong talagang commanding officer ng 202 nd Infantry Brigade na may punong himpilan sa Barangay Antipolo, Rizal, Laguna, ay hilingan ni Mayor Vicente B. Amante na magbigay ng maikling pangungusap sa flag ceremony sa City Hall noong nakaraang Lunes ng umaga, kanyang binanggit na ang pangunahing misyon sa kasalukuyan ng Philippine Army dito sa CALABARZON Area ay hindi ang komprontahin ang mga armadong kilusan na kumikilos dito sa mga Lalawigan ng Laguna at Quezon, kundi upang mapangasiwaan ang pagkakaroon ng isang kalalagayang magbibigay daan upang maipatupad ng pamahalaan ang mga palatuntunang pangkaunlaran para sa kagalingan ng mga mamamayan. Halimbawa, sa dako ng Infanta at Real sa Quezon ay upang maging panatag ang mga kontratistang nagpapaunlad ng seksyon ng pambansang lansangan doon, sa mga bayang bumubuo ng 4 th Congressional District ng Laguna ay ang pagpapaunlad ng mga farm-to-market road upang maging magaan ang p

IVY-ELADIO Taniman Para Sa Kalusugan

ALAMINOS, Laguna – Sa dahilang ang pangunahing suliranin sa kasalukuyan sa bayang ito ay ang kahirapan, sa pagdiriwang ng ika-110 anibersaryo ng pagkapagpahayag ng kalayaan ng bansa, ipinahayag ni Mayor Eladio M. Magampon na binibigyang-sigla ng pangasiwaang lokal ang Palatuntunang Taniman sa Barangay na pinaglaanan ng pondong P1-milyon ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago para pagkunan ng ipagkakaloob na cash prizes sa mga magsisipagwaging kalahok na barangay, organisasyon ng magsasaka, at indibidwal na magtatanim. Ang kakailanganing pondo para sa pagbili ng binhi ng 15 uri ng gulay na itatanim ay inilaan ng pangasiwaang lokal. Ito ay taniman para sa kalusugan. Ayon kay Municipal Agriculturist Gladys de Villa Apostol, ang IVY-ELADIO ay acronym para sa “ In View of the Youth , and Enhance Local Agricultural Designs with Integrated Opportunities ” na ipatutupad na may pakikipag-ugnayan sa FAITH Food Program ni Gobernadora Teresita S. Lazaro, at ang implement

Dr. Fernandez to head the Women Scientists in Fisheries

Dr. Dalisay de Guzman Fernandez, Chief Science Research Specialist and head of the Research Information Utilization Division of the Los Baños-based Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD) of the Department of Science and Techonology was recently elected president of the National Network on Women in Fisheries in the Philippines, Inc. (WINFISH). She will take over from Retired Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Region VI Director Sonia V. Seville, and her term of office is two years. WINFISH was organized at the University of the Philippines in the Visayas in Year 2000 and its aims are to improve women;s quality of life especially in the fisheries-involved communities through advocacy and networking. Increase awareness of women’s role in fisheries, generate information exchange among members and interested individuals and institutions. Dr. Fernandez is a native San Pableña and past President of the San Pablo Colleges’s Alumni Ass

DANILO DEVANADERA, NANGUNA SA CHESS TOURNAMENT

WOOD PUSHER – Nang isulit ni Radio Operator Danilo Devanadera ng Barangay Radio Control Divison. kay G. Pedrito D. Bigueras ng City Information Office ang tropeong kanyang natamo bilang isa sa limang nangunang manlalaro sa ginanap na 2008 Laguna Non-Master Chess Championship Tournament na ginanap sa SM Sta. Rosa na itinaguyod ng Laguna Chess Association. Ang torneo ay nilahukan ng 49 chess player na kumakatawan sa mga lunsod at munisipyo na bumubuo ng lalawigan. ( Sandy Belarmino )

Asia Pacific Conference of the Junior Chamber International

JCI San Pablo Seven Lakes delegates posed with the leaders of the Junior Chamber International that attended the 2008 Asia Pacific Conference held in Busan, Korea last May 28 to June 1. From left are JCI Member Loreto S. Amante, JCI Member Normandy I. Flores, JCI Executive Vice President Lori Tomlin of JCI-United States, JCI President Graham Honlon of JCI-Ireland, JCI Member Rafael R. dela Cruz, and JCI Member Jose A. Agoncillo.

SUSI NG BAHAY, IPINAMAHAGI

CITY OF SANTA ROSA – Sinimulan na ng Local Inter-Agency Committee ang pamamahagi ng mga susi sa mga housing units para sa mga benepisyaryo ng pabahay kaugnay ng South Rail Project. Ang Local Inter-Agency Committee (LIAC) ay itinayo upang pangasiwaan ang paglipat ng mga taga-riles sa Southville 4, ang housing project na nakalaan sa mga pamilyang apektado ng pagpapalawak ng mga daang bakal sa ilalim ng South Rail Project ng pambansang pamahalaan. Ang LIAC ay binubuo ng mga opisina ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Santa Rosa, at mga pambansang ahensya tulad ng National Housing Authority (NHA), Philippine National Railways (PNR), Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), Philippine Commission for the Urban Poor (PCUP), at Commission on Human Rights (CHR). Sinisiguro ng Committee na mahusay ang pasibilidad ng pabahay at maayos na makalipat ang mga benepisyaryo. Isinagawa ang serye ng pamamahagi ng mga susi para sa mga pamilyang nabi