Skip to main content

Posts

Showing posts from June 20, 2010

LIVELIHOOD TRAINING, IPAGKAKALOOB NG PANGASIWAANG LUNSOD

SAN PABLO CITY -  Ipinababatid sa lahat noong Lunes ng umaga ni Mayor Vicente B. Amante ang nalalapit na Skills and Livelihood Training Schedule na lahat ay gaganapin sa San Pablo City Women, Family and OFW Center sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco, na isang Gender and Development Project ng pangasiwaang lunsod.      Ang mga pagsasanay ang mga sumusunod: Bedroom Slipper Making sa Hulyo 12 hanggang 16; Waitering sa Hulyo 19 hanggang 22; at Bartending sa Hulyo 26 hanggang 29, 2010. Ang lahat ng pagsasanay mula sa ika-8:99 ng umaga hanggang ika-5:99 ng hapon, at ang pagsasanay ay walang bayadm at kinikilala ng Technicla Education and Skills Development Authority (TESDA), kaya ang certificate of training na kanilang ipinagkakaloob ay kinikilala maging sa labas ng bansa o abroad.      Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga pagsasanay na ito, ang mga interesadong lumahok ay mangyaring makipag-ugnayan kay Gng. Ofelia C. Tan, officer-in-charge ng SPC Women, Family

SM CONSIGNOR, MAY PA-JOBS FAIR SA SAN PABLO

       Ang SM Consignor o ang mga maglalagay ng puwesto sa SM-San Pablo City ay magtataguyod ng jobs fair sa Hunyo 30-Hulyo 1, at sa Hulyo 21-22, 2010 na gaganapin sa PAMANA Hall sa City Hall Complex simula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon, sang-ayon kay City Administrator Loreto S. Amante, bilang PESO Manager ng lunsod.      Ang nabanggit na jobs fair ay sa pagtutulungan ng Department of Labor and Employment-Region IV-A, ng Public Employment Services Office (PESO), at ng Pangasiwaang Lunsod nng San Pablo.      Ang mga lalahok sa nabanggit na jobs fair ay pinapayuhang magdala na ng kanilang school records, bio-data o personal data sheet, Social Security System ID kung mayroon na, at dalawang kopya ng litratong 2” x 2” na puti ang likuran o background.      Ang mga prospective job applicant ay pinapayuhan din ni PESO Manager Amben Amante na magtungo sa jobs fair na may maayos na kasuutan na angkop sa gawaing kanilang papasukan.      Itinagdag pa ni Amben Amante

BAYARIN SA BOY SCOUTING, SA HULYO PA

SAN PABLO CITY – Ipinaaalaala ni Council Scout Executive Angelito A. Dinglasan na ang ipinahihintulot na bayarin ng mga sasapi sa Boy Scouts of the Philippines ay P50 para membership fee, at P10 para sa tinatawag na sustaining membership fee na babayaran lamang sa buwan ng Hulyo, at ang pagbabayad nito ay hindi dapat na maging pangangailangan para ang isang bata ay tanggapin sa isang paaralan, sapagka’t dapat alalahaning ang pagiging kasapi ng Boy Scouts of the Philippines ay kusangloob o hindi sapilitan.      Ang nabanggit na singilin ay dapat bayaran sa unit leader o sa gurong may pananagutan sa batang iskawt, at sila ang may pananagutan sa pinakamaagang pagkakataon ay i-entrego o i-remit sa local council ang kanilang nalilikom na halaga.      Ang tinutukoy na halaga ay siya babayaran ng mga sasapi sa kid scout o prescholer, sa kab scout na nag-aaral mula Grade I hanggang Grade III, sa boy scout na mula sa Grade IV hanggang Grade VI,  sa Senior Scout na nagsisipag-aral sa high

MGA PUNO NG NARA, ITATANIM SA LUNSOD

Ipinababatid ni Environment and Natural Resources Officer Ramon R. de Roma na ang pangasiwaang lunsod, sa pagsasakit ni Mayor Vicente B. Amante ay nakapaglaan ng sapat na pondo para ibili ng punla ng punong nara na itatanim sa mga watershed at iba pang bahagi ng lunsod na kinakailangang mataniman ng kahoy. Magugunita na dahil sa pagdaraan ng El Niño Phenomenon sa bansa, ang mga tanim ng timber tree sa lunsod, kasama na ang mga nasa watershed, ay lubhang naapektuhan, at malaking bilang nito ang natuyo. Sa ginawang pagtaya ng mga tekniko ng DENR, maging ang mga punong itinanim noong 2005 na mga buhay-na-buhay na ay natuyo rin, dahil sa kinulang sa sapat na tubig nitong panahon ng tag-araw. Ito ay kinakailangang palitan bago matapos ang taong kasalukuyan. Para sa kabatiran ng lahat na interesadong makilahok sa palatuntunan ng pagtatanim ng mga punong nara sa sakop ng lunsod, sila ay maaaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Environment and Natural Resources Officer na nasa 4th Floor ng

PANGANGALAKAL NG IBON, DAPAT AYON SA BATAS

      CALAMBA CITY – Dahilan sa patuloy na may mga nakapapasok na itinitindang ibon na nabibilang sa ang lahi ay nanganganib na maubos o malipol, pamuling nagpapaalaala si Regional Executive Director Nilo B. Tamoria ng Department of Environment and Natural Resources-Region IV-A (CALABARZON) na mahigpit na ipinatutupad sa sakop ng pananagutan ng kanyang pinangangasiwaang rehiyon  ang tadhana ng  Batas Republika Bilang 9147, na lalong kilala bilang “The Wildlife Conservation and Protection Act of  2001” na ang layunin ay mapangalagaan ang buhay-ilang sa bansa.      Ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act  of 2001 o RA 9147, ay isa sa mga magaganda at makabuluhang batas na pinagtibay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ang layunin ay mapangalagaan ang katatagan ng lahi ng mga katutubong ibon at hayop sa mga kagubatan ng bansa. Ang batas ay nagbabawal din ng pagpapasok o pagpapakawala ng mga buhay ilang o wildlife na hindi likas sa pinangangalagaan kapaligiran upang

ANG PITONG LAWA AY SA SAN PABLO

     Bilang isang dating naninirahan  sa baybayin ng Lawa ng Laguna sa dako ng Muntinlupa, ang may akda o ulat nito ay nakasaksi sa kung papaano ang pangangalaga upang mapanatiling maganda at malinis ang kapaligiran ng kinikilalang pinakamalawak na lawa o dagat tabang sa Asia ay pinagsasakitan ni Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Agrikultura Fernando Lopez, kaya noong 1965 ay nagkaroon ng mga pagdinig kaugnay ng isinasagawa ni Senador Wenceslao R. Lagumbay na isang panukalang batas para mapangasiwaan ang Laguna de Bay, at ito ay ang kilala ngayong Batas Republika Bilang 4850, o ang batas na nagtatatag sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) at nagtatakda ng mga pananagutan nito, na ang pangunahin ay ang pagsasagawa ng pananaliksik at pagpapaunlad (reaserch and development).      Noon, ang average depth ng Laguna de Bay ay apat (4) na metro, at may mga lugar na halos ay pitong metro ang lalim, na kung kami ay sumasama sa panghuhuli ng ayungin sa pamamagitan ng panti ay karaniwan

DTI intensifies drive against uncertified fire extinguishers in Laguna

     CALAMBA CITY (June 17, 2010) - DTI Calabarzon Region Director Marilou Quinco-Toledo reported that a team of enforcers of the Department of Trade and Industry (DTI) in the  region visited on May 13 manufacturing sites in Santa Rosa and San Pablo cities suspected to be sources of uncertified fire extinguishers.      Three firms visited were   Vian Enterprises, Keirojen Enterprises, and Race Enterprises and they   were found producing uncertified fire extinguishers that violates Department Administrative Order (DAO) 02:2002.       DAO 02:2002 stipulates that manufacturers, distributors, wholesalers, retailers and those who offer for sale products covered by mandatory product certification shall sell, or offer for sale only such products which complied with the requisite Philippine National Standard (PNS) and with the required Philippine Standards (PS) quality certification mark (or PS mark), or with a valid ICC in the case of imported products.      Products that will affect