Ang nabanggit na jobs fair ay sa pagtutulungan ng Department of Labor and Employment-Region IV-A, ng Public Employment Services Office (PESO), at ng Pangasiwaang Lunsod nng San Pablo.
Ang mga lalahok sa nabanggit na jobs fair ay pinapayuhang magdala na ng kanilang school records, bio-data o personal data sheet, Social Security System ID kung mayroon na, at dalawang kopya ng litratong 2” x 2” na puti ang likuran o background.
Ang mga prospective job applicant ay pinapayuhan din ni PESO Manager Amben Amante na magtungo sa jobs fair na may maayos na kasuutan na angkop sa gawaing kanilang papasukan.
Itinagdag pa ni Amben Amante na ang mga may katangian, tulad ng mga tumapos ng karungan sa electrical engineering, mechanical engineering, civil engineering, computer engineering, industrial engineering, at yaong may mga karanasan sa property management, lease management, media planning and public relations, fair management, at Leisure and Amusement Facilities Management, na sila ay mayroon ding pagkakataon sa matatag na hanapbuhay, at sila ay inaanyayahang makipag-ugnayan sa Human Resource Division ng SM Corporate Office na nasa J. W. Diokno Boulevard sa Mall of Asia Complex sa Pasay City, at ang kanilang email address ay careers@smsupermalls.com (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment