Skip to main content

Posts

Showing posts from November 11, 2007

Estudyante ng University of Batangas nanguna sa PSQ

Isa na namang estudyante mula sa lalawigan ng Batangas ang kakatawan sa Katimugang Tagalog sa Philippine Statistics Quiz (PSQ) na taunang isinasagawa ng National Statistics Office (NSO) sa tulong ng Philippine Statistical Association (PSA). Si Justin Angelo P. Alvarez, estudyante sa Engineering ng University of Batangas ang siyang nanalo sa ginanap na PSQ Regional Elimination noong nakaraang Nobyembre 13 sa CAP Development Center sa Lipa City. Tinalo ni Justin ang dalawampu’t tatlo pang kalahok sa nasabing paligsahan mula sa iba’t-ibang unibersidad na sakop ng rehiyon. Ang PSQ ay taunang paligsahan sa larangan ng Estadistika na unang isinagawa noong 1992. Ito ay isang hakbang para malaman ng madla ang halaga ng estadistika sa ating buhay. Sinasalihan ito ng mga mag-aaral sa unang taon ng kolehiyo na nakapagtapos ng sekondarya ng nakaraang Marso (o Abril). Ngayong taong ito, umabot sa 121 na estudyante mula sa 50 eskwelahan ng rehiyon ang sumali sa PSQ. Mula dito, da

YOUTH GUILD, ISANG PANGANGAILANGAN - TINTIN PICAZO

Nasa tamang direksyon ang pananaw ni Chairman-Elect Kristine Ann “Tintin” A. Picazo ng Sangguniang Kabataan ng Del Remedio, lunsod na ito, na may pangangailangan na ang mga lider kabataan sa isang lunsod o munisipyo ay dapat na mabuo sa isang guild o asosasyon ng may magkakatulad na interes at layunin sa buhay, sapagka’t ito ang magiging daan upang ang kaisipan ng mga indibidwal sa loob ng asosasyon ay magkaugnay-ugnay at malapat sa isa’t isa sa ikapagtatamo ng pinagkakaisahang lungatiin para sa pamayanan. Sa Estados Unidos, doon, ang bawa’t uri ng hanapbuhay at libangan ay may ispisipikong samahan o guild, halimbawa, ang mga propesyonal na nagsisipag-apina ng piyano o piano tuning technician ay miyembro ng Piano Technicians Guild na kinikilala sa Kontinente ng America, at ang guild ang mekanismo upang ang mga miyembro ay patuluyang napapaalalahanan tungkol sa kahalagahan ng kanilang gawain para sa kagalingan ng kultura ng musika, at ng industriya ng piyano sa kanilang bansa. Ayon kay