Ang mga pinuno at kawani ng Land Bank of the Philippines-San Pablo City Branch sa pangunguna ni Department Manager Evelyn L. Malapaya, sa pakikipagtulungan ni City Fire Marshall Alejandro C. Austria, ay sumailalim ng tanging pagsasanay sa tamang pagsugpo ng sunog, at ang mga hakbanging dapat isagawa sakali’t magkaroon ng sunog sa bakuran ng bangko, o sa kapaligiran nito, tulad ng pagabay sa mga kliyente ng bangko patungo sa ligtas na lugar, tamang pagtatakda ng prayoridad sa mga bagay na dapat tiyaking ligtas sakali’t ang bank premises ay tuwirang maapektuhan ng apoy; at maging mobilisasyon ng mga biktima, sakali’t may taong maaapektuhan ng sunog na dapat ilipat sa ligtas na lugar. Ang kabuuan ng pagsasanay sa pag-iwas at paglaban sa sunog o fire drill ay sinubaybayan ni Area Manager Nicetas Gaveño Jr. Ang mga bank employees LandBank ay pinayuhan sa tamang pagkilala ng sunog batay sa pinagmulan nito, at sa paggamit ng fire extinguisher. Tinuruan din sila ng ta