Matapang na isiniwalat ng militanteng grupo ng Water System Employees’ Response (WATER) at Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) – Laguna Chapter ang umano’y lantad na katiwaliang nagaganap sa loob ng ahensiya ng Pagsanjan Water District (PAGWAD). Ayon sa nasabing grupo, makailang ulit nang ginamit ng General Manager (GM) ng PAGWAD ang posisyon nito sa paglulustay ng pondo ng water district. Halimbawa umano dito ay ang garapal na pagnanakaw ng gasolina mula sa ahensiya para sa personal na sasakyan ng GM, kasabwat ang umano’y ilang taksil na kawaning alipores nito. Inihayag din ng WATER-COURAGE sa mga concessionaire (tagatangkilik) ng PAGWAD ang umano’y pagbibigay-pabor ng GM sa ilang mga nasa posisyon sa gobyerno at eletista sa bayan ng Pagsanjan. Habang mahigpit namang ipinatutupad ang patakaran sa maliliit at mahihirap na concessionaire. May ilang umano’y mayaman at pulitikong nakaupo sa pamahalaang bayan ng Pagsanjan na matagal n