Skip to main content

Posts

Showing posts from May 2, 2010

SA MAYO 7, WALANG PASOK SA SAN PABLO

     Sa pamamagitan ng  Proclamation No. 2042 na pinagtibay ni Executive Secretary Leandro R. Mendoza noong nakaraang Lunes, Abril 26, sa tagubilin  ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, sa kahilingan ni Mayor Vicente B. Amante, ay ipinahahayag ang  Araw ng Biyernes, Mayo 7, 2010, na Tanging Araw ng Pangilin na Walang Pasok o Special Non-Working Day upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na maipagdiwang ang ika-70 anibersaryo ng pagkapagpatibay ng Commonwealth Act No. 520 na nagkakaloob ng Karta ng Pagka-Lunsod sa San Pablo.      Magiging tampok na palatuntunan ng pagdiriwang ang pagkakaloob ng “Gawad ng Karangalan” sa mga napiling “Mga Namumukod Tanging San Pableño” na gaganapin sa Palmera’s Resort and Restaurant sa Maharlika Highway sa Barangay San Rafael, Lunsod ng San Pablo.      Ang “ The Outstanding San Pablenos 2010 ”  ay sina (1) Court of Appeal Justice Danton Q. Bueser para sa Government Services;    (2) Gng. Esperanza S. Conducto para sa Pangangalakal o Business;