Skip to main content

Posts

Showing posts from April 12, 2009

ALAALA KINA ALICBUSAN, ISINASAAYOS NA

Angkop kayang alaala? Isang magandang pagkakataon, na si SPO1 (o Sgt.) Norman Jesus Platon, na tubong M’lang, North Cotabato, na dating kagawad ng Philippine Constabulary, ay natalaga dito sa San Pablo City Police Station simula noong nakaraang Buwan ng Pebrero, at kaagad niyang napansin ang kulay puting pananda para sa alaala ni Major Leopoldo Amutan Alicbusan ng 27 th Philippine Constabulary Company, na nasawi sa pakikipaglaban sa isang pangkat ng Hukbong Magpapalaya sa Bayan (HMB) o ang sandatahang lakas ng Parftido Kumunista noon, na lumusob sa kalunsuran noong madaling-araw ng Marso 29, 1950. Kasama niyang nasawi sina S/Sgt. Cenon Salvador, Sgt. Atanacio Maliberan, at Pfc Cipriano Panquito, nang salubungin nila ang lumulusob na kalaban ng kapayapaan sa may MRR Crossing sa may Bagong Pook, na noon ay hindi pa lubhang marami ang naninirahan, upang mailigtas ang mga sibilyan sa mga ligaw na bala o crossfire. Nakadama si Sarhento Platon ng kalungkutan sa nakitang

Alicbusan on April 9, 2009

SA MGA KINAUUKULAN: Sa darating na Abril 9, 2009, ay gugunitain ang ika-67 Araw ng Kagitingan upang kilalanin ang mga kawal na naghandog ng kanilang buhay sa mga larangan ng labanan sa Bataan at Corregidor, at ako po ay magalang na nagmumungkahi na sana naman ay mapagtuunan ng pansin ang mga kawal na nagbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang katahimikan ng Lunsod ng San Pablo. Noong nakaraang Marso 29, 2008 , ay walang nakaalaala na ang araw na yaon ay bahagi ng kasaysayan ng Lunsod ng San Pablo, sapagka’t iyon ang ika-58 taon ng kamatayan ni Major Leopoldo Amutan Alicbusan ng 27 th Philippine Constabulary Company na nagbuwis ng buhay sa pagtatanggol sa kalunsuran sa pananalakay ng mga kaaway ng pamahalaan noong Marso 29, 1950. Sasapit na muli ang Marso 29, at marahil ay tulad sa mga nakaraang taon, ay walang makakaalaala sa naging bahagi ng matapang na pinuno noon ng mga konstable sa kasaysayan ng Lunsod ng San Pablo .