Skip to main content

Posts

Showing posts from May 31, 2009

New Three Class Room @ San Pablo Central School

Ang three-room schoolbuilding na naipatayo mula sa pondong nahiling nina Congresswoman Ma. Evita R. Arago, Mayor Vicente B. Amante, at City Councilor Danilo R. Yang mula kina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at DPWH Secretary Hermogenes E. Ebdane Jr. na itinayo ng New Rich General Contractor upang ipalit sa isang kondenadong schoolbuilding sa San Pablo Central School sa superbisyon ni District Engineer Federico L. Concepcion ay may maayos na kaanyuan, at kinapapansinan ng katatagan. Ang nagtayong kontratista ay nakatala sa umiiral na DPWH Registry of Prequalified Contractors. Marami ang nagsasabing ito na ang pinakamaayos na bagong tayong school building sa Lunsod ng San Pablo ngayon.

FISHERFOLK DAY SA LUNSOD, MAKAHULUGANG NAIPAGDIWANG

BFAR-Region IV-A Fisherfolk Director Edison Y. Jaramillo, National Fisherfolk Director Felizardo Lim, Senior Board Member Karen C. Agapay, BFAR Assistant Director Benjamin Tabios Jr., at PAMPANO President Rafael Olivera. Ang pangunahing layunin ng Tilapia Festival bilang tampok na bahagi ng pagdiriwang ng Fisherfolk Month sa Lunsod ng San Pablo ay hindi lamang upang turuan ang mga mangingisda ng makabagong teknolohiya sa pagaalaga ng tilapia, at paghahanda ng iba’t ibang lutuing salig sa isdang ito, kundi upang palaganapin ang tamang kamalayan at kasanayan sa pangangalaga at pangangasiwa ng kapaligiran ng paligawan ng tilapia, sa kadahilanang hindi na mapasusubalian ang naitutulong ng industriya ng tilapia sa pagpapataas ng at pagpapatatag sa antas ng kabuhayan, hindi lamang ng Lunsod ng San Pablo at Lalawigqan ng Laguna, kundi ng buong bansa, sang-ayon kay Pangulong Edison Y. Jaramillo ng Seven Lakes Fisheries and Aquatic Resources Management Councils ay siyang na

BGEN FLORANTE B MARTINEZ ASSUMES COMMAND OF 2ID

CAMP GENERAL MATEO CAPINPIN, Tanay Rizal - A Brig. General Florante B. Martinez was installed as the new commander of the 2 nd Infantry (Jungle Fighters) Division of the Philippine Army last Tuesday, June 2, 2009. He accepted the responsibility as 2ID’s acting Commander from 2ID’s outgoing commander Major General Roland M. Detabali during the traditional military change of command ceremony held at Camp Capinpin parade ground. The activity was presided by the Philippine Army’s Commanding General, Lt. Gen. Delfin N. Bangit AFP. Brig. Gen. Florante B. Martinez is a member of Philippine Military Academy class of 1978. He earned his first star rank during his stint as 2ID’s Assistant Division Commander from 2008 until this date. Being 2ID’s assistant Division Commander, he now assumes command of 2ID as acting Division Commander. He was assigned to various sensitive positions in the AFP. He was the Commanding Officer of 56 th Infantry Battalion in Mindanao. Also,

IKA-111 TAON NG KALAYAAN, IPAGDIRIWANG SA LUNSOD

Napag-alaman mula sa City Information Office na sina City Schools Superintendent Ester C. Lozada at dating City Mayor Palermo A. Bañagale, Pangulo ng San Pablo Cultural and Historical Society, ang mga magiging pangunahing tagapagsalita sa nakatakdang paggunita sa Ika-111 Anibersaryo ng Pagkapagpahayag ng Kalayaan ng Bansa ngayong Biyernes, Hunyo 12, 2009 sa paanan ng Bantayog ng Pambansang Bayani sa Liwasang Lunsod simula sa ganap na ika-7:30 ng umaga. Ang doxologia at ang pag-awit ng Lupang Hinirang ay pangungunahan ng koro ng mga guro ng Sangay ng Lunsod ng San Pablo, samantala ang panibukas na pananalita ay ipagkakaloob ni Gng. Lerma S. Prudente, tagapangulo ng San Pablo City Tourism Council. Nakatakda ring magsalita si Mayor Vicente B. Amante pag-alinsunod sa tradisyon bilang punong tagapagpaganap ng lunsod, na susundan ng pangwakas na pananalita ni City Administrator Loreto S. Amante. Ang palatuntunan ng paggunita ay tatapusin sa pamamagitan ng pa

PREQUALIFIED CONTRACTOR, MAPAGTITIWALAAN

Kung napapansin na sa mga government project ay mga pamilyar na pangalan ng mga kontratista ang nakalagay sa taurpulin o billboard na gumagawa nito, ito ay hindi nangangahulugan na may paboritong kontratista ang DPWH, kundi nangangahulugan lamang na ang pangasiwaan ng DPWH sa isang engineering district ay umaalinsunod sa itinatagubilin ng Republic Act No. 9184 o Government Procurement Act na pinagtibay noon pang Enero ng 2003 na nagpapahayag ng mga layunin upang mapalaganap ang kamalayan sa marapat at mabuting pangangalaga sa salapi ng bayan ng lahat ng sangay, ahensya, kagawaran, at subdibisyon ng pamahalaan, kasama na ang mga korporasyon na kontrolado ng pamahalaan sang-ayon sa isang state auditor ng Commission on Audit na nakatalaga dito sa Lalawigan ng Laguna. Ang nabanggit na batas ay gagawang maging ang karaniwang mamamayan ay masubaybayan ang nagiging kayarian ng paggawain, magpapasigla sa malayang pangangalakal, at magkakaroon ng iisang pamantayan sa pamimili n

PAGLALADLAD NG BANDILA HANGGANG HUNYO 30

Kaugnay ng paggunita sa ika-111 Anibersaryo ng Pagkapagpahayag ng Kalayaan ng Bansa, ngayong Biyernes, Hunyo 12, 2009, pag-alinsunod sa itinatagubilin ng Batas Republika Bilang 8491, na lalong kilala bilang The Flag and Heraldic Code of the Philippines, ay hinihikayat ang lahat, maging ito ay pampubliko o pampribadong tanggapan at ahensya, pansariling tanggapan at paggawaan, at tahanan, na nasa kahabaan ng mga hayag na lansangan, na magladlad o mag-display ng Watawat ng Pilipinas simula ngayong Mayo 28 (Pambansang Araw ng Bandila) hanggang Hunyo 12 (Araw ng Kalayaan), gaya ng ipinahihintulot sa nabanggit na batas, ang panahon ng paglaladlad ng bandila ay itinutuloy hanggang Hunyo 30, 2009 batay sa tagubiling pinalabas ni Local Government Secretary Ronaldo Puno na nalathala sa website www.dilg.gov.ph . Sa pag-aatas sa City Information Office na magsagawa ng malawakang diseminasyon ng impormasyon ukol dito, sinabi ni Alkalde Vicente B. Amante na ito ay upang maipa

Speak up for the real change in One Voice

One Voice