Ang doxologia at ang pag-awit ng Lupang Hinirang ay pangungunahan ng koro ng mga guro ng Sangay ng Lunsod ng San Pablo, samantala ang panibukas na pananalita ay ipagkakaloob ni Gng. Lerma S. Prudente, tagapangulo ng San Pablo City Tourism Council.
Nakatakda ring magsalita si Mayor Vicente B. Amante pag-alinsunod sa tradisyon bilang punong tagapagpaganap ng lunsod, na susundan ng pangwakas na pananalita ni City Administrator Loreto S. Amante. Ang palatuntunan ng paggunita ay tatapusin sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa paanan ng bantayog ni Dr. Jose P. Rizal, na pangungunahan ni Alkalde Vicente B. Amante ang mga pinunong lokal, at lalahukan din ng mga samahang sibiko at organisasyon sa paglilingkod sa lunsod (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment