March 20, 2008

JCIP San Pablo Seven Lakes, Outstanding in the Philippines


Under the leadership of JCI Member Rafael Reyes Dela Cruz as President for Administrative Year 2007, the JCI San Pablo 7 Lakes or San Pablo “Seven Lakes” Jaycees, Inc. received four (4) major awards, and two (2) merit awards during the recently held National Convention in Cebu City, making this local organization (LOM) as one of the most decorated chapters in the Philippines according to JCI Philippines National President Albert Raphael Angelo “RIP” A. Lesaca when he attended the 60th Induction of Officers held last Saturday at Coco Palace Hotel in this city.

President Rip said the four (4) majors awards that JCIP San Pablo Seven Lakes received were “Best United Nations Millennium Development Goals Project” for Project: Stop AIDS. Keep The Promise; “Best Sports Development Program” for Project: 11th KABYAW ( A Bikathon Race to visit city’s seven lakes); “Best Youth Activities Program” for Project: Youth Leadership Camp; and “Best Public Health Program” for Project: Adopt A School: Feeding Program. The two (2) merit awards were: “Best Public Relations Program” for Project: JCI Mardigras; and “Education for Peace Program” for Project: Academic Olympiad. In effect, JCI San Pablo Seven Lakes Rank 10 in the final JCPEA Counting which is an honor considering that there are more 200 active JCI local organizations in the country today. (Ben Taningco)

TAGUMPAY NG SAN PABLO SA ANILAG 2008

SAN PABLO CITY - Masayang iniulat ni Gng. Nercy Sahagun Amante, Unang Ginang ng Lunsod, at chairperson ng executive committee sa paglahok ng lunsod sa pagdiriwang, na muling umani ng tagumpay ang Lunsod ng San Pablo sa katatapos na ANILAG Festival 2008 na itinaguyod ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna.

Ayon sa Unang Ginang, tinanghal na Binibining Laguna 2008 si Bb. Rodhalyn Pessina ng Barangay Sto. Niño, samantalang 2nd Runner-up si Bb. Francheska Mica Villapando ng Barangay San Vicente.

Nakuha ni Bb. Lea Maria Hernandez ang unang karangalan sa Amateur Singing Contest (Open Division). Natamo rin ng mga kinatawan ng lunsod ang ikalawa at ikatlong karangalan sa Dance Showdown Competition. Ang nagwagi ay ang Exclusive Terrorranger at ang Philippine Pirates Dance Groups, gaya ng pagkakasunod.

Sa Booth and Star Quest Competitions ay parehong nakamit ng San Pablo City ang ikatlong pwesto o ang pagiging second runner-up. -

Sa Best Tourism Establishments Category, ay natamo ang mga sumusunod: Total Gas Service Station sa Barangay San Rafael , Best Gas Service Station; Maria Paz Resort sa Barangay Sta. Filomena, Best Resort; at Coco Palace Hotel sa Barangay San Francisco, Special Recognition.
Kinilala rin si G. Blairwin Ortega bilang Outstanding Youth of Laguna at si G. Alex Cortez bilang Outstanding Artist ng Laguna.

Lubos ang naging kasiyahan nina Mayor Vicente B. Amante at Unang Ginang Nercy Sahagun Amante, dahil sa muling napatunayan na ang Lunsod ng San Pablo ay hindi pahuhuli sa anumang larangan ng paligsahan na umaalinsunod sa itinatagubilin ng batas na nagsusulong ng pagpapaunlad sa larangaN ng sining at kultura na iniaatas ng Batas Republika Bilang 7356. Gaya ng laging namumutawi sa mga labi ni Mayor Vicente B. Amante: “San Pablo City Laging Umaabante!”- (CIO-Jonathan S. Aningalan)

Sign Up Now!!!!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Disqus for Balitang San Pablo : Online