Nilagdaan nina Chairman and President Odilon I. Bautista, at School District Supervisor Zenaida D. Tolentino ang isang kasunduan para ang Dapdapan Elementary School na may bakuran sa Barangay III-D ay matulungan ng Rural Bank of Seven Lakes, Inc. (RB7L) sa ilalim ng Adopt-a-School Program ng Department of Education. Ang mga mag-aaral sa tinangkilik na paaralan ay pinagkalooban ng kagamitan sa pag-aaral tulad ng note book, pad paper, at iba pang pangangailangan batay sa antas ng pag-aaral. Ang pagpapatibay sa kasunduan ay sinaksihan nina Barangay III-D Punong Barangay Arnel C. Ticzon, School Principal Rhea A. Dacara, at Bank Manager Eduardo Garcia. Adopted schools na rin ng RB7L ang Sto. Cristo Elementary Schools na pinagkalooban ng audio visual equipment para mapaunlad ang communication skills ng mga mag-aaral, at Bagong Pook Elementary School na pinagkalooban ng mga workbook para sa mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa. ( Ruben E. Taningco ).