
Noong isang Sabado ng hapon, sa pamamatnugot  ni Pangulong Rosauro Suarez at koordinasyon ni Rotarian Jose Cabiles  bilang project chairman, sa lingguhang pulong ng Rotary Club of Silangang  San Pablo,  sa pangalan ng Roche (Philippines) ay nagkaloob ng  mahahalagang impormasyon si Dr. Juan F. Loduvice (inset), isang kilalang  medical oncologist na naka-base sa Lucena City, tungkol sa kanser na  Lymphoma na ang apektado ay ang kulani o  immune system ng katawan  ng isang tao.At ang magandang balita na kanyang nabanggit, ay ang katotohanang  ito ay nagagamot o nalulunasan pa, kung maagang natutuklasan.   (Ruben E. Taningco)  
Comments
Post a Comment