Skip to main content

Posts

Showing posts from July 29, 2012

May Pasok na (August 1, 2012)

Magandang balita sa mga nagsisipagtanong. May pasok na bukas, Agosto 1, 2012 sa lahat ng antas ng paaralan dito sa Lunsod ng San Pablo. Huwag na po kayong tumawag sa Barangay Communication Central sapagka't ito rin ang isasagot nila sa inyong katanungan. "May pasok na po bukas." Hulyo 31, 2012 (RET)

NAGBAGSAKAN NG PUNONG NIYOG, PATAY

SAN PABLO CITY – Naging daglian ang kamatayan ni Teodoro Flores, 42 taong gulang, hiwalay sa asawa at naninirahan sa Sityo Tarangka, Barangay Santiago Dos, lunsod na ito, nang ang kanilang tahanan ay mabagsakan ng isang punong niyog na itinumba ng malakas na hihip ng hangin kaninang ika-6:45 ng umaga,(Lunes, Hulyo 30, 2012)   Wala ng buhay ang biktima ng datnan ng rescue team na City Disaster Risk Reduction and Management Council, at sa kabutihan palad ay hindi man lamang nasaktan ang kasama sa bahay na anak niyang lalaki na apat na taong gulang na pinangungunahan ni Red Crosser Arvin P. Carandang. Ang bangkay ni Flores ay agarang dinala sa ACE Funeral Home sa tagubilin ni City Administrator Loreto S. Amante, samantalang ang bata ay ipinagkatiwala sa isang tiyahing kapatid ng namayapang ama.(RET)