Ngayong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre, ang Pambansang Tanggapan ng Estadistika o National Statistics Office (NSO) ay nagsasagawa ng sarbey tungkol sa paggamit ng tabako. Ito ay tinatawag na Global Adult Tobacco Survey o GATS. Ang sarbey na nabanggit ay isinasagawa ng ahensya sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) at iba pang internasyonal na organisasyon tulad ng World Health Organization (WHO), Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health (JHSPH), Research Triangle Institute (RTI), Centers for Disease Control and Prevention (CDC), at CDC Foundation. Nilalayon ng sarbey na mangalap ng impormasyon tungkol sa kung ilan ang porsyento ng populasyon ang naninigarilyo, gaano kalimit ang paninigarilyo, at ang paggamit ng tabako na may usok (smoking) at walang usok (smokeless). Ilan din sa mahahalagang bagay na sakop ng sarbey ay ang exposure ng populasyon sa tinatawag na “ second-hand smoking ” o exposure (o paglanghap) ng tao sa usok ng sigarilyo mula sa isang