SAN PABLO CITY - Bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng ng mga alituntunin sa post-mortem inspection ng lahat ng karneng ipinamamahalagi sa pamilihang lokal, kasama na ang sa mga super market, ay mahigpit ding mino-monitor ng Office of the City Veterinarian. Nabanggit ni Dra. Farah Jane Orsolino, city veterinarian, na may makalawak na karanasan sa slaughterhouse management sa Australia, na pag-alinsunod sa tagubilin ni Alkalde Vicente B. Amante, sila ay ay hindi nagwawalang bahala at sinisikap nilang mapangalagaan ang kagalingan at kalusugan ng mga mamamayan ng lunsod, at mga karatig na bayang karaniwang sa lunsod na itro namimili ng kanilang isda at karne. Nabanggit ni Bb. Orsolino na maging ang mga small-scale piggery project at chicken dressing plant sa ilang barangay dito ay mahigpit din nilang sinusubaybayan, upang matiyak na yaon lamang malulusog o walang sakit na baboy, baka, at manok ang nakakatay sa lunsod naito. Kailangang ang industriya ng paghahayu