Skip to main content

Posts

Showing posts from February 8, 2009

People’s Day ni Congresswoman Ivy Arago

TRANSPARENCY IN ACTION - Kung mga araw ng Linggo na ginaganap ang People’s Day ni Congresswoman Ma. Evita “Ivy” R. Arago ng Ika-3 Distrito ng Laguna sa Distrtict Field Office sa San Pablo City, ang kinatawan ay tinutulungan ni DPWH District Engineer Federico L. Concepcion sa pagpapaunawa sa mga lumalapit na lider ng iba’t ibang barangay ng mga katangian at dapat asahan sa mga proyektong ipinatutupad ng pamahalaan, lalo na ang proseso ng pagpapasubasta na isang pag-alinsunod sa mga tadhana ng Batas Republika Bilang 9184 o Reform Procurement Law upang ganap na mapangalagaan ang pondo ng bayan at mapangasiwaan ang kagalingan ng mga mamamayan. ( Ruben E. Taningco )

PASAJERO NI ATE IVY

Sa layuning mapasigla ang paghahatid ng mga paglilingkod na pangkalusugan at panglipunan, pinagkalooban ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago ang Municipal Social Welfare and Development Office ng Alaminos (Laguna) ng isang yunit ng Suzuki Sakbayan (Jitney) Multi-Cab noong Linggo ng umaga, na tinatawag din ng mga bata sa day care center na “Pasajero Ni Atie Ivy”. Sa larawan, ang jitney na may plate number SJF-152 nang tanggapin ni MSWDO Marissa M. Aguilar, sa tulong ni Driver Junoel Masajo Reyes ng Tanggapan ni Mayor Eladio M. Magampon. * Ruben E. Taningco )

PAGPAPLANONG PANGKAPANATAGAN NG PAMAYANAN

Nagugunita ni Head Executive Assistant Mariuz F. Zabat na dalawang taon na ang nakalilipas, o noong Nobyembre 29, 2006, sa koordinasyon ni City Director Herminia Arcelo ng Department of the Interior and Local Government sa lunsod na ito, ang 202 nd Infantry Brigade ng Philippine Army, at ang San Pablo City Peace and Order Council, ay naisagawa ang isang Joint Strategic Planning and Workshop on Local Peace and Security Management sa Tala Resort and Hotel sa Rizal, Laguna, kung saan nabalangkas ang isang Pananaw na ang Lunsod ng San Pablo ay maging “ Isang Mapayapa at Maunlad na Lunsod na Pinanahanan ng May Takot Sa Dios, May Sigla, May Pananagutan, at Masunurin sa Batas na Mamamayan ,” na ang Misyon ay “Mapangalagaan at Mapatatag ang Isang Mapayapa at Maunlad na Lunsod ng San Pablo. ” Ang nabanggit na planning workshop na tumanggap ng ganap na suporta mulaa kina Gobernadora Teresita S. Lazaro, Alkalde Vicente B. Amante at ABC Presi

Republic Act No. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000)

Iniuutos ng Republic Act No. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) at ng City Ordinance No. 2003-15 ang pagbubukod-bukod ng basura sang-ayon sa kalalagayan nito, akay ng layuning maayos na mapangasiwaan ang koleksyon at pagtatapon ng basura mula sa mga tahanan, at mapangalagaang malinis ang kapaligiran. ( CIO Photo )

CIVIL REGISTRATION MONTH: SUSI SA PANDAIGDIGANG OPORTUNIDAD

Pangungunahan ng National Statistics Office (NSO), kabalikat ang mga Local Civil Registry Offices (LCRO) sa buong bansa , ang pagdiriwang ng Civil Registration Month ngayong Pebrero para sa ika-18 taon ng ahensya sa buong bansa, sa bisa ng Proclamation No. 682 na pinagtibay ni dating Pangulong Corazon C. Aquino noong Enero 19, 1991. Ang tema ang selebrasyon ay “Civil Registration: Key to Global Opportunities” o “Pagrerehistrong Sibil: Susi sa Pandaigdigang Oportunidad” sang=ayon kay Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña, hepe ng NSO-Laguna Provincial Office. Mahalaga ang tala ng kapanganakan, kasal, kamatayan, pag-aampon at iba pang civil registry documents o dokumentong sibil ayon kay Bb. Serqueña sapagka’t dito nakasalalay ang kinabukasan ng lahat. Mula pa sa pagkapanganak, ang birth certificate ay ginagamit na sa Philhealth, SSS o GSIS, gayun din ang marriage certificate para sa hospitalization claim at iba pang benefits. Sa unang

TOKEN OF GRATITUDE

TOKEN OF GRATITUDE - San Pablo City District Jail Deputy Warden, Jail Senior Inspector Jerome V. Soriano, in behalf of BJMP-Region IV-A Director (Jail Senior Superintendent) Norvel Mingoa hands over plaque of appreciation to Seven Lakes Press Corps as a token of gratitude for the just and fair reporting of Bureau of Jail Management and Penology’s advocacy activities and performances during Calendar Year 2008. For formalities, the award was received by SLPC President Nani C. Cortez in the presence of JO2 Marian Manset, SLPC Executive Vice President Sandy Belarmino, City Government Assistant Department Head Melinda P. Bondad, and Video Editor Ramil Buiser of the City Information Office. ( CIO/Jonathan S. Anin galan )

OIC RAUL L. BARGAMENTO

SAN PABLO CITY - Police Superintendent Raul L. Bargamento, the newly designated officer-in-charge of the San Pablo City Police Station did not promised anything upon assumption of office during the simple turn-over ceremony here last Tuesday officiated by Provincial Director Manolito Labrador, and witnessed by some local officials with force multipliers and council of elders in attendance. However P/Supt Raul L. Bargamento made a pledge to duplicate if not surpass the extra-ordinary performance of the police station under the leadership of outgoing Chief of Police, P/Supt Joel C. Pernito, who was given a new tour of duty as officer-in-charge of the Biñan Municipal Police Station. The SPCPS flag of command was handed by Laguna Police Provincial Office Director P/S Supt Manolito Labrador to incoming Chief of Police P/Supt Bargamento who incidentally is a batch mate of P/Supt Pernito in PNPA Class ’91. An specialistt in risk management