Ang nabanggit na planning workshop na tumanggap ng ganap na suporta mulaa kina Gobernadora Teresita S. Lazaro, Alkalde Vicente B. Amante at ABC President Gener B. Amante, na masasabing isang pilot project sapagka’t kito ang kaunaunahanpagkakataon na ang isang yunit ng pangasiwaang lokal ay nagkaroon ng talakayan upang mabalangkas ang palatuntunang pangkaayusan at pangkapanatagan na salig sa paradigm o mga katanggaptanggap na paniniwala at paninindigan
Noon ay ipinahayag ni Koronel Jorge Valbuena Segovia, pinunong tagapag-utos ng 202nd Infantry (Unified) Brigade, ang kanyang panananto sa San Pablo City Peace and Order Council (POC) na susuportahan ang mga palatuntunan nito, lalo na ang pagtulong sakali’t ang pamayanan ay dalawin ng kalamidad na kinakailangang magsagawa ng mga rescue operations, pakikipagtulungan sa pagsasagawa ng mga medical and dental mission, at regular na paghahandog ng dugo sa San Pablo City Red Cross Blood Bank.
Sa panig ni ABC President Gener B. Amante, napakahalagang sa naganap na planning workshop ay pinagtuunan ng pansin ang pagbalangkas ng isang Standard Operating Procedure upang ang mga City/Municipal Disaster Coordinating Council sa buong lalawigan ay mabilis na magkakaugnayan para sa mabilisang paghahatid ng tulong na pangkagipitan kung may mga nagaganap na kalamidad o mga malawakang kasakunaan, sa ilalim ng kaisipang ang lalawigan ng Laguna ay binubuo ng mga malalaki at maliliit na may kanya-kanyang pekulyar at ispisipikong kalalagayan at katangian upang mapangasiwaan at mapangalagaan ang pag-iral ng kaayusan at kapanatagan.
     Iminungkahi  noon ni ABC President Amante na dapat pag-aaralan na sa ilalim ng katotohanang  ang isang pangangasiwaang barangay ay nagtatatag ng maraming lupon,  na pawang ang punong barangay ang tagapangulo, at ang mga kagawad ay  sila-sila na rin lamang, ay makabubuting ang palakasin na lamang ay  ang Barangay Disaster Coordinating Council, upang sakupin na rin nito  ang pagsasagawa ng barangay development planning, ang koordinasyon ng  mga palatuntunang pangkalusugan at pangnutrisyon, at maging ng implementasyon  ng alternative education program at mga gawain sa pagyayaman at pagpapasigla  o paglilinang sa suliraning pangkultura at pangsining. Ang kabuuang  pananaw na yaon, ay nakikita ang pagiging epektibo kung papansinin ang  kasalukuyang kalalagayan ng Barangay San Jose (Malamig), kung saan ang  mga naninirahan ay tuwirang nadarama ang kabuuang panglilingkod na maipagkakaloob  ng isang yunit ng pamahalaang lokal, tulad ng maunlad na sistema ng  paaralan, na may kalakip na palatuntunan ng pagkakaloob ng kaalamang  panghanapbuhay o alternative education. At pangkalahatang pakete ng  paglilingkod na pangkalusugan at panglipunan o health and social aid  packages.  (Ruben  E. Taningco)
Comments
Post a Comment