Mahalaga ang tala ng kapanganakan, kasal, kamatayan, pag-aampon at iba pang civil registry documents o dokumentong sibil ayon kay Bb. Serqueña sapagka’t dito nakasalalay ang kinabukasan ng lahat. Mula pa sa pagkapanganak, ang birth certificate ay ginagamit na sa Philhealth, SSS o GSIS, gayun din ang marriage certificate para sa hospitalization claim at iba pang benefits. Sa unang pag-aaral pa lamang ng bata at sa pagkuha ng board examination, ang birth certificate ay kinakailangan na rin upang makatiyak ng tunay na tala ang mag-aaral upang maiwasan ang problema na may kaugnayan sa birth certificate. Sa pag-hahanapbuhay, ang birth certificate at marriage certificates (kung may asawa) ang hinihingi upang magamit sa pagtanggap ng mga benepisyo tulad ng retirement o insurance benefits. Sa pagpapakasal, birth certificate at Certificate of No Marriage (CENOMAR) ang hinihingi ngayon ng simbahan, huwes at mayor upang makatiyak na tama ang tala ng ikakasal at makasiguradong walang previous marriage ang babae o lalaking ikakasal. Para sa death claim, birth,marriage and death certificates ang hinihingi ng SSS o GSIS upang makasiguro ng tunay na kalalagayan ang namatay at ang naiwan niya. Birth at marriage certificates din ang hinihingi sa pagke-claim ng mana na ari-arian ng mga naiwang tagapag-mana o designated na tagapag-mana.
Di maikakaila na marami sa mga mamamayan ang naghahangad ng magandang oportunidad sa ibang bansa. Sa pag-aaply pa lamang ng pasaporte sa DFA, birth at marriage certificates ang hinihingi ng DFA upang makatiyak ng tunay na record ang aplikante sa kanilang kapanganakan o kasal. Sa NSO-Region IV pa lamang may daily average na 2000 aplikante para sa authenticated documents. Karamihan dito ay may layuning maghanapbuhay sa ibang bansa
Nais ipabatid ni Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña, pinuno ng NSO-Laguna, na malapit nang umpisahan sa sangay nito sa Maharlika Highway, Brgy. Bagong Bayan, San Pablo City ang pagtanggap ng aplikasyon para sa authenticated documents buhat sa BREQS outlets kayat makakakuha nito ang publiko na nakatira sa Laguna sa madaling panahon. Gusto lamang ipaunawa ni PSO Serqueña na buhat lamang sa BREQS outlet tulad ng San Pablo City, Calamba City at City of Santa Rosa ang maaaring iproseso ng NSO-Laguna, kayat ang may kahilingan ay maaaring mag-apply sa nabanggit na mga lunsod. (NSO-Laguna)
Comments
Post a Comment