Ang isang pinunong bayan, halal o talaga man, ay may pananagutan na aktwal na dalawin ang lawak na sakop ng kanyang pananagutan upang tuwiran niyang Makita, maranasan, at maunawaan ang suliraning umiiral ito, upang magabayan sa pagbalangkas ng inaakalang solusyon sa naobserbahang suliranin. Ito ahg ipinahayag ni Senador Francis Joseph Guevara “Chiz”Escudero sa pakikipanayam kay Pangulong Nani C. Cortez ng Seven Lakes Press Corps kamakailan sa isang restoran sa Calamba City .
Ayon kay Chiz Escudero, bilang kinatawan ng mga mamamayan, pananagutan ng isang senador o kongresista, at maging ng mga kagawad ng sanggunian, ang tuwirang makipanayam sa nabibilang sa iba’t ibang antas ng lipunan, sapagka’t sa pagbalangkas ng mga batas at kautusan, ay may pantay na karapatan at pangangailangan ang lahat, mahirap o mayaman, marunong o mangmang, kaya silang lahat ay dapat na uunawain ang saloobin at damdamin. Maging sa pagpapahayag ng layuning maging kandidato o pagn