Sa isang sertipikasyon na may petsang Pebrero 2, 2009, ay tuwirang pinatunayan ni Director Julian Ll. Pacificador Jr. ng Department of Budget and Management-Region IV-A (CALABARZON) na walang pondong ipinalabas ang pangasiwaang pambansa para mabayaran ang P7,000 additional bonus para sa mga empleyado ng Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo.
Binaggit din ni Atty. Pacificador sa kopya ng memorandum na tinanggap ng Office of the City Treasurer na ang kumalat na balitang kasama na (o incorporated) ang pondo para sa nabanggit na P7,000 additional bonus sa tinanggap ng Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo na kabahagi mula sa Internal Revenue Allotment (IRA), maging ito ay sa Taong 2008 o sa Taong 2009, ay walang katotohanan o batayang legal. At idinagdag pa ng director na malinaw naming binabanggit sa Local Budget Memorandum ng pinalabas ng Department of Budget and Management noong Disyembre 11, 2009 kung saan kukunin ang pondo para mabayaran ang additional bonus. (Ruben E. Taningco)
nakaka awa naman ang san pablo, dito lang yata hindi nabigyan ng additional bonus, anu na namang pag mamane obra ang ginawa diyan!!!!
ReplyDelete