Si District Engineer Federico L. Concepcion (nakaupo sa kaliwa) samantalang kapanayam ang mga kinatawan ng mga lumahok na construction firm.
Sa ilalim ng “Programang Pangtabaho ni Pangulong Gloria” ang Department of Public Works and Highways-Laguna Sub-District Engineering Office na may tanggapan sa Miraflor Subdivision sa Barangay Del Remedio sa Lunsod ng San Pablo ay nagtaguyod ng isang Jobs Fair noong nakaraang Lunes, Pebrero 23, 2009. na nilahukan ng mga prequalified contractor na kumikilos dito sa Katimugang Tagalog na personal na pinangasiwaan ni District Engineer Federico L. Concepcion, at nina Bb. Gregoria Catipon, Flora Javeloza, at Shirely Samiano bilang mga coordinator.
May pakikipag-ugnayan sa Philippine Contractors Association (PCA), iniulat ni District Engineer Federico L. Concepcion na tanging mga prequalified contractor ang inanyayahang lumahok sa DPWh Jobs Fair bilang pag-alinsunod sa itinatagubilin ng Batas Republika Bilang 9184 o Reform Procurement Law.
Ang kinikilalang mga prequalified contractors ng RA 9184 ay yaong mga kontratista na pinagkalooban ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng “Certificate of Qualification” matapos na makapaglahad ng Contractor’s Prequalification Statements batay sa kategoriya ng proyektong ninanasa nilang lahukan, tulad ng puhunan, mga kasangguniang propesyonal, mga kagamitan o heavy equipments, at kasaysayan bilang kontratista. Ang mga debarred contractor ay hindi pinahihintulutang lumahok sa mga pasubasta, bagama’t tinataglay nila ang mga katangian ng isang kuwalipikadong kontratista.
Ang mga manggagawang napagkalooban ng pagkakataon sa hanapbuhay ay maaaring makapagtrabaho ng mula sa dalawang buwan, hanggang sa isang taon, batay sa uri ng kontratang napagwagian ng papasukang construction firm. At sa DPWH Jobs Fair noong Lunes, ang tinanggap ay mga civil engineer, foreman, heavy equipment operator, steel man, kaminero, kantero o mason, latero, karpintero, at piyon. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment