Si Judge Odilon I. Bautista (inset) samantalang nagbibigay ng pamukaw-siglang pananalita sa mga kabataang mag-aaral.
Ipinaalaala ni Retired RTC Judge Odilon I. Bautista, kasalukuyang Chairman of the Board and President ng Rural Bank of Seven Lakes, na ang inihandog nilang mga aklat ay isang pag-aalay ng tulong sa mga kabataang mag-aaral ng Bagong Pook Elementary School upang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa komunikasyon, lalo na sa pagamit ng Wikang English na siya na ngayong karaniwang ginagamit sa lahat ng pakikipag-ugnayan sa loob at labas ng bansa sa pamamagitan ng World Wide Web o enternit. Tulad ng
Ginawa ni Judge Bautista ang pahayag sa palatuntunan ng pormal na paglilipat ng may 400 sipi ng workbook na itinulong ng bangko sa pangasiwaan ng paaralang elementarya na ginanap sa bakuran ng paaralan noong Lunes ng umaga, na sinaksihan nina City School Superintendent Ester C. Lozada, District Supervisor Marilyn B. Capuno, at PTCA President Lulu M. Cornista sa panig ng paaralan, at nina Bank Director Remy Alvero Exconde, Dr. Leonardo Exconde, at Bank Manager Eduardo M. Garcia sa panig ng pangasiwaan ng bangko.
Idinagdag pa ni Judge Bautista na ang kanilang bangko sa nakalipas na mahigit na sa tatlong dekadang tinatangkilik at pinagtitiwalaan ng mga mamamayan, at ang pagtangkilik nila ng ngayon ay dalawa ng paaralan ay akay ng kanilang pagnanasang “makapamuhunan sa pagkakaloob ng tama at napapanahong kasanayan sa mga bata upang sila ay maihanda sa pagiging mga mabubuti at produktibong mamamayan sa malapit na hinaharap.
Ang mga aklat ay para sa iba’t ibang antas ng pag-aaral na inihanda nina Prof. Leonila S. Navea and Cecilia B. Corsino, mga kilalang Language Teacher sa bansa na kaugnay sa De La Salle Greenhills sa San Juan City. (BENETA News)
Comments
Post a Comment