Nang sa isang pagtitipon ng mga guro, magulang, at mga kaibigan ng paaralan sa Bagong Pook Elementary School ay nabanggit ni City Schools Superintendent Ester C. Lozada na kanyang pinahahalagahan na sa nakalipas na 19 taon ay napangangalagaan ng Lakeside District ang pagiging over-all champion sa taunang palarong panglunsod, buong kapakumbabaan itong pinasalamatan ni Gng. Marilyn B. Capuno, tagamasid pampurok, at idinagdag na ang tradisyon ng pagwawagi ay kanilang napangangalagaan dahilan sa matatag ang kanilang district sports council, at walang pasubali ang suportang ipinagkakaloob ng mga pangasiwaang barangay na sakop ng mga lawak na pinaglilingkuran ng distrito, at ng mga natatalagang tagapaminuno ng mga yunit ng paaralang bumubuo ng purok pampaaralan.
Bagama’t bago pa man ang Taong 1991 ay nagiging over-all champion na ang Lakeside District sa tinatawag noong Division Sportsfest, nalaman mula kay Gng. Capuno na noon ay may pagkakataong may ibang distrito o purok na nagiging pangkalahatang kampyon. Subali’t simula noong Taong 1991, bunga ng maayos na pagpapatupad ng mga palatuntunan ng pagsasanay, pagkikintal sa kaisipan ng mga bata sa halaga ng isports sa buhay at pamumuhay ng isang indibidwal, magandang pag-uugnayayn ng yunit ng paaralan, at ng pamayanang pinaglilingkuran nito, at mga pampasiglang tulong mula sa pamahalaang panglunsod at pangasiwaang pangsangay.
Comments
Post a Comment