Sa dahilang si Concejala Karen C. Agapay ay may kinakailangang isagawang mga paghahanda bilang halal na Senior Member ng Sangguniang Panglalawigan, ang Serbisyong Pablo’y na pagkakaloob ng iba’t ibang tulong na ang karamihan ay sa larangan ng suliraning pampangasiwaan at panlegal na isinasagawa tuwing araw ng Biyernes sa One Stop Processing Center, ay pansamantala muna itong itinitigil, upang muling buksan para sa pagpapatuloy ng kanilang paglilingkod sa Hulyo 9, 2007 o sa ikalawang Araw ng Lunes ng bawan, at doon din sa kinaugaliang lugar sa One Stop Processing Center. Gayon pa man, nabanggit ni Atty. Karen Agapay na maaaring mabago pa ang araw na ito, batay sa mapagtitibay na Weekly Calendar of Activities ng sanggunian sa ilalim ng pamamatnugot ni Bise Gobernador Ramil Hernandez, bagama’t ang tinitiyak niya ay ito ay magpapatuloy, sapagka’t ito ay isang proyektong lubhang malapit sa puso at kaisipan ni Mayor Vicente B. Amante. (BENETA News)