Matapos na mabalik sa dating katawagang Technology Resources Center, ang Technology and Livelihood Resource Center (TLRC), na itinatag ni Gng. Imelda Romualdez Marcos bilang isa sa mga ahensya sa ilalim ng Ministry of Human Settlements, na sa ilalim ng Aquino Government ay nalagay sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo, ay nalipat sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Science and Technology sa paniniwala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na higit na makatutulong sa pagpapalawak ng paggamit ng mga napauunlad na teknolohiya sa pagpapataas ng antas ng kabuhayan ng mga mamamayan, kung ito ay magiging bahagi ng research and development group ng Kagawaran sa Agham at Teknolohiya, sang-ayon sa napag-alaman mula sa isang may pananagutang kawani ng Science and Technology Information Institute (STII).
Maaalaala na noong panahon ng Marcos Administration, ang Technology Resource Center ay kaagapay ng Palatuntunang KKK na malaki ang naitulong para mapasigla ang maraming industriyang pantahanan at mga small scale industry.
Naging makatotohanan ang pagkapaglipat ng ahensya sa DOST ng pagtibayin ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Executive Order No. 614, at kasalukuyan ng sumasailalim ng proseso ng paglilipat, na sa dahilang kinakailangang isaalang-alang ang badyet at mga alituntuning pangtauhan, ay hindi naman magagawang biglaan ang paglilipat. (BENETA News).

Comments
Post a Comment